Nakangiti akong pumasok kinabukasan. Pasahan na kasi ng workbooks para i-check ng professor namin. Luckily, pareho lang prof naming tatlo nina Sachi so sabay-sabay rin kaming magpapasa.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita si Kard sa building nila. Naalala ko rin ang pagpapalitan namin ng mensahe kagabi. Ehe. Enebe kenekeleg eke.
Isang malakas na puwersa ang tumama sa likod ko. Matalim kong tiningnan ang walang modong humampas sa akin. Nakangising mukha ni Sana ang bumungad sa akin. Napabusangot ako. Walang ano-ano'y hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko't inunat para ngumiti. Nakailang aray na ako't lahat pero tawa lang siya nang tawa. Kung hindi niya pa nakita ang pangingilid ng luha ko dahil sa sakit ay hindi pa siya titigil.
I gently massaged my cheeks while giving her glares. Puro lang siya ngisi at tawa. Baliw yata 'to.
"Sorry na kasi, Siri. Hankyut kyut mo kasi! Isa pa nga." Akmang lalapit ulit siya pero tinutukan ko siya ng binder. ISANG MAKAPAL NA BINDER.
The most annoying part? She just laughed. Mabusog sana siya ng hangin sa katatawa niya.
Kalauna'y tumahimik rin siya at sumabay sa akin sa paglalakad.
"Alam mo, I like Wednesdays."
"Pakialam ko." Pagsusungit ko sa kaniya.
"Sungit. Hindi mo man lang ba itatanong sa'kin kumbakit?"
"Like what I said, pakialam ko."
Tumawa ulit siya. "Sige kahit hindi ka interesado, sasabihin ko pa rin," Nakangiti niyang sabi. "I like Wednesdays because it's the days that I get to see you and walk with you like this."
Napairap ako. "Ang drama mo, huh. Parang hindi tayo nagsasabay palagi no'ng highschool."
"Iba naman kasi 'yon. Hindi ko pa no'n nare-realize ang feelings ko para sa'yo." Humina ang pagkakasabi niya sa mga huling salita kung kaya't hindi ko naintindihan. Hindi rin naman niya inulit pa kaya hinayaan ko na lang.
"Kumusta feasibility study niyo?" Tanong ko.
Nangunot ang noo niya. "Pa'no mo nalamang may feasibility study kami ngayon?"
I just shrugged. "Do'n sa schedule." Pagsisinungaling ko.
"Ah! Ayon, ayos lang naman. Buti nga ka-group ko si Kard, eh."
Mabilis akong napalingon sa kaniya. "Si Kard?"
Tumango siya. "Oo, 'yong crush mo."
Kaagad kong tinakpan ng kamay ko ang bunganga niya. Ramdam ko ang pagngiti niya.
"Letse ka!"
Inalis niya ang kamay ko. "Gusto mo ilakad kita?"
Inirapan ko siya. "No thanks. Happy crush lang ako."
"Weh? Ako rin." Sabi niya sabay tawa.
"Ano pala gagawin niyo ngayon?" Usisa ko sa kaniya.
"Magpapa-check no'ng chapters na naka-assign sa'min. Kayo ba?"
"Magpapasa ng workbooks." Tumango-tango siya.
Nakita kong nasa room nang naka-assign sa amin sina Sachi kung kaya't humiwalay na ako kay Sana.
"Oh? Magkasama kayo?" Sinilip ni Mochi ang East Wing kung saan dumiretso si Sana.
"Oo. Nagkasabay kami sa may gate. She keeps on pinching my cheeks every time we see each other."
Natawa si Sachi. "Maybe she likes you."
Nangunot ang noo ko. "Si Sana? Magugustuhan ako?" I shook my head. "Asa. Impossible."
"Oh? Ba't ganiyan expression ng mukha mo? Disappointed much?" Nakangising sabi ni Mochi.
Tiningnan ko silang dalawa't pinagtaasan ng kilay. "Mukhang bati na kayo, ah."
Nagkatinginan sila't sabay na ngumisi.
"Fine. Hindi na ako manguusisa sa kung ano'ng nangyari. I'm happy for the both of you. Hope all."
Pareho nila akong inakbayan at tinapik-tapik sa balikat. Mga buwiset.
***
"SIRI!"
Napaungot ako nang marinig ang pagtawag sa'kin ni Sana. Malamya ko siyang nilingon, pero nang makitang kasama niya si Kard ay kaagad na pumorma sa ngiti ang mga labi ko.
Sana's brows arched, but she didn't say anything.
"Uuwi ka na ba?" Tanong niya nang makarating sa puwesto ko.
Tumango ako bago tumingin kay Kard at ngumiti. "Hi." He smiled at me in return.
"Balita ko sabi ni Kard ay may ini-recommend ka raw na gumagawa ng feasibility study?"
Binalingan ko si Sana. "Ah, oo. Bakit? Kailangan niyo na ba siyang i-meet?"
"Oo sana." Guwapo talaga ng boses ni Kard, parang siya lang rin.
Maasim ang mukha ni Sana nang makita akong parang uod na binubudburan ng asin. Inirapan ko nga.
"Puwede mo ba kaming samahan?" Si Kard.
Mabilis ang naging pagtango ko at pag-oo.
***
We meet with Sheena ('yong ni-recommend ko) sa isang kainan sa loob ng LCC. Silang dalawa ni Kard ang naguusap at nakikinig lang kaming dalawa ni Sana. Maasim pa rin ang expression ng mukha niya pero hindi ko na lang rin pinansin.
"Siri, samahan mo akong bumili ng ice cream." Aya niya sa akin. Ayoko sanang iwanan sina Sheena at Kard na silang dalawa lang pero hinila na ako ni Sana.
"Ano ba'ng problema mo?" Masungit kong tanong sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa lagayan ng ice cream at walang kibo na pumulot ng 1 litre coffee fudge ang flavor. Mabilis ang paglalakad niya kaya't binilisan ko na lang rin ang lakad.
"Kumuha ka ng apat na kutsara." Utos niya sa akin. Padabog kong inabot ang iniuutos niya. Ayoko na lang rin na makipagtalo sa kaniya.
Badtrip. Ano ba'ng problema nito?
Papunta na sana siya sa cashier para bayaran ang pinamili niya pero mabilis din siyang pumihit, dahilan para mauntog ako sa kaniya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "What? May nakalimutan ka pa ba na bilhin?"
Tumango siya. "Oo, tubig." Napairap ako.
Hindi sinasadyang nahagip ng paningin ko ang table namin kanina. Naestatwa ako nang makitang nagtatawanan sina Kard at Sheena. Biglang sumikip ang dibdib ko. Am I hurt? Huh? Bakit?
Humarang si Sana sa tinitingnan ko. She sighed as she run her fingers through her hair. She held me by my wrist.
"Uwi na lang tayo?"
Walang lakas na nagpatianod ako sa kaniya.
Nang makalabas ay tulala pa rin ako. Hanggang sa may mag-sink in sa akin. Tiningala ko si Sana at kinalabit.
"Hmmm?"
"Do they know each other?" Paos kong tanong.
Sana's face softened. "Bakit gusto mong malaman?"
"So they do know each other." I smiled weakly. Higit na ba sa crush ang nararamdaman ko kay Kard? Ba't nasasaktan ako?
"Oo, magkakilala sila."
"Matagal na?"
Tumitig muna sa akin si Sana bago bumuntong-hininga. The next words she said not only broke my heart, but it also crushed my hope.
"They're dating."