Two

739 Words
Every family has its own flaw/s. Sa kaso namin, it's my dad's infidelity. Napabuntong-hininga ako nang dumagundong ang boses ni mama sa buong sala. Hindi 'agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Mama's angry voice is scary. Ayoko ring isipin kung ano'ng klaseng expression mayroon siya ngayon. Sumilip ako nang kaonti mula sa pintuan. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. No, not because it's a shocking news for me nor I am scared. Hindi naman na bago sa akin ang ganito. When did they start arguing about my dad's mistress? When I was eight? No, maybe when I was seven? I lost count of their confrontations and arguments. For the past twelve years, hindi buo ang taon namin nang hindi sila nagaaway. Mabuti na lamang at wala ngayon ang kapatid ko rito kung hindi baka kung ano na namang suicidal thoughts ang maisip no'n. I'm more worried about my brother than my parents. Aren't they old enough to understand things and might as well choose peace rather than badmouthing each other? Nakakasawa na rin kasi. Napapitlag ako nang may tumamang bagay sa dingding malapit sa kinatatayuan ko. Nang balingan ko ito ng tingin, napangiti ako ng mapakla. It was our family picture that was taken last week. Hindi na ako nagabala pang pulutin man lang ang litrato para itago o ilagay sa bagong frame. What for? Pangilang frame na ba 'tong nadamay dahil sa pagaaway nila. Pumasok na ako't nadatnan si papa na inaalo si mama. Parang walang ginawang kasalanan ang tatay ko, ah. Papa is kind and loving. Iyong pagmamahal na dapat sana ay sa pamilya niya lang, ipinamahagi niya pa sa iba. "Ma, pa," Gulat silang tumingin sa akin. Pinunasan ni mama ang pisngi niyang nabasa ng pagiyak niya bago nakangiting bumati sa'kin. "'Nak, kanina ka pa ba? Kumain ka na?" "Ah, Siri, pasensiya na medyo makalat." Alanganing ngumiti sa'kin si papa. Pinasadahan ko ng tingin ang sala. Bukod sa family picture namin na ibinato yata ni mama, wala namang ibang nabasag o nagulo. Matabang akong ngumiti sa kanila. "Tapos na ho ba kayo? Sige ho, aakyat na muna ako." "Sir--" Umiling si mama kay papa. Pagkapasok ko sa kuwarto'y pinakiramdaman ko ang sarili. Dati rati'y iiyak kaagad ako kapag naaabutan ko silang nagtatalo, pero ngayon, wala. Wala akong makapang emosyon. Dapat ba akong magalit? Gustuhin ko man, pero wala, eh. Siguro dahil sanay na ako? Ewan. Binuksan ko ang phone ko't nagtipa ng mensahe para sa kapatid ko. Ako: Umuwi ka na. Ingat. Pagkatapos makitang naipadala ko na ito'y nagbihis na ako't naghanda para gawin ang workbooks ko. *** 10:45 P.M. Napahikab ako nang matapos ko ang activity sa Field Study 2. Ah, oo nga pala. Nasa huling taon na ako ng kolehiyo, kaming tatlo nina Mochi. Pare-pareho kaming Education courses ang kinuha at oo, pare-pareho rin naming pinagsisisihan na sinunod namin ang parents namin. Pero, wala na. Malapit na rin kaming magtapos (kung papalarin). Bago matulog ay nag-scroll muna ako sa newsfeed ng f*******: account ko. As usual, puro shared posts ng mga kaklase't kaibigan ko ang lumalabas. I-e-exit ko na sana ang app nang may bagong mensaheng pumasok. Sachi Buenavista: How do I make up with Mochi? Napangiti ako. Ako: Confess ka muna. Natawa ako nang mag-videocall siya. "The hell Siri Campe?" Nagtagal ang paguusap namin ng mahigit anim na minuto. Napailing na lang ako nang maalala ang flustered na boses niya. Napaghahalataan, eh. Nangunot ang noo ko nang may panibagong mensahe na naman ang pumasok. Kumalabog nang malakas ang dibdib ko nang makita kung kanino ito nanggaling. Kard: May kakilala ka bang marunong gumawa ng feasibility study? Napatitig ako nang ilang segundo sa mensahe niya. Sabi nila may dal'wang pinakamahalagang rason kumbakit nabubuhay ang tao. Una, para sa happiness. At pangalawa, para sa love. Hindi ko naramdaman na mahal ng parents ko ang isa't isa kung kaya't hindi ko alam kung paano ang magmahal at kung ano ang pagmamahal. Pero, magmula nang makilala ko si Kard no'ng isang taon, parang alam na alam ko ang lahat tungkol sa pagibig at pagmamahal. Kung hindi naranasan ni mama ang love na dapat ay para sa kaniya, sana naman, sa akin, hindi gano'n ang mangyari. Sana, kung si Kard man ang para sa akin, sana 'wag niya akong sasaktan. Sana huwag niya akong lolokohin. Sana... Ako: Ay, oo. Iyong dati kong classmate no'ng Senior High. I-message ko ba? Handa na yata akong maging tanga sa pagibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD