App: Messenger
IV-B&C ONLINE BACLARAN SHOP
shopee/lazada gurl:
ano gagawin natin sa binigay na 3K ni mayor?
INIIBIG KO ANG AKING KAPITBAHAY:
gorabells na at gumala
bunso ng eduk:
birthday celebration
pabiling ice-candy:
oo nga! tutal apat naman kayo na november babies
nag-iisang prinsipe/sa ng BSED:
kahit sa'n, go ako HAHAHAHA
good girl:
sorry po, hindi ako makakasama hihi
Natawa ako sa chat ni Aya. Kahit naman no'ng first year pa kami, hindi na siya pinapayagan. Baka raw next year pa. Napailing ako. Pero naiintindihan ko rin naman kumbakit gano'n ka-strict ang ate niya.
Isinara ko ang messenger app. Humilata ako sa kama't binuksan ang IG account ko. Kaagad na bumulaga sa feed ko ang post ni Davi na nasa beach. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Parang kahapon lang namomroblema no'ng workbooks namin pero nagawa pang mag-beach.
Napangiti ako nang makita ang post ni Mochi. Pictures namin iyong tatlo habang binabagtas ang hanging bridge. May stolen pictures din kami ni Sachi. Napailing na lang rin ako bago ko pinindot ang like button.
Napatingin ako sa wall clock. It reads 11:30 a.m. Alas-5 pa naman ang pasok namin mamaya. Marami pa akong oras para tumambay sa k'warto ko. Oo, masama pa rin ang loob ko kina mama at papa. Mas lalo lang akong nalungkot no'ng sinabi ni papa na hindi niya na nakita sa pinagiwanan niya 'yong mga pusa. Naiiyak na naman ako kapag naaalala ko sila.
My phone beeped. It's a message from Mochi saying that she has an important announcement to say to us.
?️GC NG MGA NAPILITANG MAG-EDUC?️
mochi masarap nguyain:
Mga frenn! Punta kayong canteen mayang mga 1. May sasabihin akong mahalagang importante
sachi pekeng haponesa since birth:
Can't you just send it here? Ba't pa kami pupuntang canteen?
mochi masarap nguyain:
It's because I'm lonely! Ako pa lang nandito huhu
sachi pekeng haponesa since birth:
Don't wanna. Matutulog na lang ako. Bye.
I sighed. Mapapaaga yata alis ko.
***
I smiled when I saw them at the back part of the canteen. Sachi's dropping eyes is a must see. Halatang puyat ito't kulang na kulang sa tulog.
"See? I know that you love me!" Sabi ng natatawang si Mochi sa kaniya.
Malamya lang siyang tinapunan ng tingin ni Sachi bago humikab.
Umupo ako sa tabi ni Sachi at pi-nat ang ulo niya. Humilig siya sa balikat ko.
"I'm sleepy..." Pabulong niyang sabi.
Binalingan ko si Mochi nang nakangiti. "So, what's the important announcement? We came all the way here so dapat may sense 'yan, huh? Or else, I'll drag Sachi out of here and we'll just sleep at my house."
Umirap siya sa hangin. "Both of you are so mean. Why am I even friends with you?" Ramdam ko ang pagngiti ni Sachi sa balikat ko.
"Cut to the chase, what's up?"
Malapad ang pagkakangiti niya sa amin bago sabihing, "I FREAKING WANT A BOYFRIEND!" Pabulong niyang sigaw. Pareho kaming natigilan ni Sachi. Umayos ito ng upo, tila nawala na ang antok.
I heaved a long and deep sigh.
"Mochi," Tawag ko sa kaniya.
"What? I really think that I need a boyfriend na."
"What's gotten into you?" Sachi's voice sent chills deep down, to the every fiber of my being. Napahaplos ako sa magkabilang braso.
Malapad pa rin ang pagkakangiti sa amin ni Mochi. "May maire-recommend man lang ba kayo riyan?"
Natawa si Sachi. Iyong tawa na sarcastic. Napalunok ako't hindi muna nagsalita. "You mean, kung wala ba kaming maibubugaw sa'yo?"
Napairap ang kaharap niya. "Makabugaw naman 'to. Ano'ng akala mo sa buhay ko? Club? Bar?"
Tumango si Sachi, and with her oh-so cold voice, she said, "Oo. Iba-ibang lalaki gusto mo, eh."
Nakita ko ang pagkagusot ng noo ni Mochi. "What? Sachi that's so mean."
Sachi's smirk is even more terrifying than her voice. "Sino naman ba'ng ex mo ang nagpamukha sa'yo na hindi ka kawalan?"
Umarko ang kilay ng kaharap niya. "What?"
"Gano'n ka, eh. You began to be desperate in finding a partner kapag may past relationship kang nagpamukha sa'yo na madali ka lang palitan, or na you didn't mean anything to them," Tinitigan niya si Mochi. "at all."
Crap. Magaaway pa yata ang dalawang 'to. I need to step in.
"Guys, kalma. Chill lang. Mochi, may problema ba? Is something wrong?"
"What? Masama na ba ngayon kung gusto ko nang mag-boyfriend?"
"You’re at it again. Stop being a playgirl. It doesn't suit you."
"Sachi," Saway ko sa kaniya. I turned to Mochi who's shooting daggers at the latter.
"No, walang masama ro'n." Ramdam ko ang tingin sa akin ni Sachi. I ignored her. Mochi's face brightened.
"See?! Thanks god you understood me, Siri. Hindi kagaya ng isa riyan," She rolled her eyes.
"Pero, Mochi, okay ka lang ba?"
"Why wouldn't I be? I'm perfectly fine! Gosh. I'm so excited!"
"I'm going home." Hindi na inantay ni Sachi ang sasabihin namin. She stormed out of the cafeteria, looking hurt and sad.
Meanwhile, Mochi looks so happy and excited about dating, but her eyes says otherwise. May problema ba siya?
"So, ano? May kakilala ka ba na papasa sa taste ko?"
Natawa ako. "Standard kamo."
Umirap siya. "Grabe! Hindi naman, ah." Natawa ako.
Natapos ang araw ko na kinukulit ni Mochi, at naalibadbaran sa mood ni Sachi.
Pagdating ko sa bahay, akala ko makakapagpahinga na ako. Pero, what greeted me was...
"MAGKASAMA NA NAMAN BA KAYO NG KABIT MO?!"