"Sa'n mo tinapon?"
"Do'n sa may malapit sa beach resort ni mayor."
Faint voices. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. I'm sure that it's my mom and dad's voices. Itinapon? Ano'ng pinag-uusapan nila?
"Ano ginagawa no'ng dalawa bago ka umalis?"
"'Yong isa, nag-meow..."
Naramdaman ko ang pagtigil ng paghinga ko. Did they just...
Kahit na wala pang tatlong minuto mula nang magising ako'y walang pasakalye akong bumangon. Muntik pa akong matumba dahil sa pagmamadali. Wala akong pakialam kung magulo ang buhok ko, may panis na laway sa gilid ng labi ko, at wala akong suot na bra.
Pabalya kong binuksan ang pinto ng maliit naming tindahan. Naabutan kong papaalis na si papa samantalang si mama nama'y may kinukuha sa ref.
"ANO'NG GINAWA NIYO SA KANILA?!" Dumagundong ang boses ko sa loob ng tindahan.
Nakita ko ang takot sa mga mata ni papa, at napapitla naman si mama.
I hastily roam my eyes on the surroundings, looking for my precious babies. Nang hindi ko makita ang dalawa sa kanila'y nanghina ang tuhod ko't tuluyang napaupo sa malamig na sahig.
"Na--" Marahas kong tinabig ang kamay ni papa nang subukan niya 'kong saluhin.
"Siri!" Ramdam ko ang galit ni mama dahil sa ginawa ko pero mas ramdam ko ang galit ko para sa kanila ni papa.
"Bakit? Ba't niyo tinapon?" Nanghihina kong tanong.
"Hindi na maatim ng kalooban ko ang ginagawa ng mga alaga mo. Sino ba'ng matutuwa kung mapanghing amoy ng ihi't mabahong tae sa door mat ang sasalubong sa bawat paggising mo?"
Pinunas ko ang naglandas na mga luha sa pisngi ko. Atubili si papa na daluhan ako pero,
"SANA SINABI NIYO SA'KIN! HUMANAP NA LANG SANA AKO NG PUPUWEDENG UMAMPON SA KANILA!"
"Nak..."
"Mga pusa lang 'yon, Siri. Napapalitan."
Mapakla akong tumawa sa sinabi ng nanay ko. Galit na galit ako at nasasaktan. "Wow. Ano'ng karapatan niyong itapon at abandunahin ang mga pusa ko?! Those were my friends. Those were my comfort. Tapos... tapos..."
"Tumigil ka nga Siri. 'Wag kang mababaw riyan. Parang pusa lang, iniiyakan mo. Hindi ka na bata."
Hindi ko na napigilan ang galit ko. Marahas akong tumayo. "Hindi niyo kasi ako naiintindihan. Oo, marahil pusa lang tingin niyo sa kanila pero ako? They're not just mere cats for me. Kaya wala kayong karapatan..."
Tinalikuran ko na sina mama dahil baka kung ano pa'ng masabi ko. Susundan sana ako ni papa pero pinigilan niya ang sarili.
Padabog kong isinara ang pinto ng k'warto ko. Tuloy-tuloy ako sa kama't doon humagulgol.
Wala akong pakialam kung mababaw para sa inyo ang dahilan ng pagiyak ko. Those cats, they were so precious to me. Nilalambing nila ako kapag nararamdaman nilang stressed na ako sa eskwela, sinasamahan nila ako kapag may projects akong ipapasa pero hindi ko pa tapos, inaabangan nila ako sa labas ng k'warto ko tuwing umaga.
Pero... Hindi lang ako makapaniwala. I just can't believe that of all people na pupuwedeng gumawa no'n sa'kin, mga magulang ko pa. Hindi ko inakala na 'yong mga kasama ko kahapon, hindi ko na madadatnan paggising ko.
Patuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa mahimasmasan ako.
***
"Hala! Hindi ka nagpaalam na a-attend kang misa ngayon?" Gulat na tanong sa'kin ni Mochi.
Umiling ako. Naikwento ko na rin sa kanila ni Sachi ang nangyari sa bahay kanina.
"You should have at least kissed their cheeks." Ani Sachi.
Hinampas siya ni Mochi. No, they're not siblings. "Masama nga loob nitong kaibigan natin."
"Pagrespeto lang ba."
"It was her parents fault naman, ah."
Tinaasan siya ng kilay ni Sachi. "That doesn't mean that you should be rude to them. Parents mo pa rin sila." Sabay tingin niya sa'kin.
"No'ng umalis ako, kasunod ko si papa. Feeling ko babalik siya kung sa'n niya tinapon 'yong dalawa."
"See? Guilty papa niya!"
"Maybe he is, and he loves you."
Tumango ako. "Ayaw ni papa na nagagalit ako, kami na mga anak niya sa kaniya. Pero kay mama, nakakasama ng loob kapag magagalit ka sa kaniya kasi kapag hindi mo siya kinausap, hindi ka rin niya kakausapin."
"At least they knew their fault." Si Sachi.
Napairap na lang si Mochi sa kaniya. "Alam mo ikaw, kapag ikaw na-inlove, madali kang maloko."
Nangunot ang noo namin dahil sa sinabi niya. "What? Pa'no mo nasabi?"
"You're such a softy. You're understanding. You're kind. You easily say sorry even if you're not the one who's at fault. You're just too good to be true."
Natawa si Sachi sa sinabi nito. "Is that so? Then, you can do the screening part if someone's showing interest in me."
Natawa kaming tatlo.
Napatingin ako sa maliit na chapel sa 'di kalayuan. Kumpulan ang tao sa loob at labas nito, mga pawang nagsisimba at nakikinig ng misa. Kaming tatlo? Nandito kami sa harapan ng isang tindahan dahil late kaming dumating at naligaw pa kami. Hindi tuloy namin nagampanan mga pagiging godmothers namin sa inaanak namin.
Ah, nakalimutan ko. We're at a far flung sitio rito lang rin sa bayan namin. Mochi, Sachi, and me got invited by our former classmate to be the godmothers of her kids. Unfortunately, mahabang lakaran ang ginawa muna namin bago makarating sa lugar nila.
"Guys, wala ba kayong dalang pamaypay riyan or anything na p'wedeng pamatid init?" Tanong ng pinagpapawisan na ngayong si Mochi.
Sachi handed her a handkerchief. Napangiti ako. "Pa'no naman ako?" Tanong ko sa kaniya.
"Eto sa'yo," Natawa ako nang iabot niya sa'kin ang bill ng kuryente. Ewan ko kung sa'n niya napulot 'yon pero hindi rin magagamit na pamaypay.
Hindi rin nagtagal ay natapos na ang misa't nakita naming lumabas ng simbahan si Anica-- iyong nagimbita sa amin dito.
Nagkatinginan kaming tatlo at natawa.
"My god. Ang gandang gawing caption sa post mamaya 'yong ano'ng k'wentong ninang mo?"
The three of us were laughing as we made our way to the crowd.
***
OMO. I feel like the Prologue's off, sorry I did a bad job doing it HAHA. Still, I'm looking forward to your comments and criticisms about the story. See you, see yooouuu.
TC