“HELLO, Kuya Levi.” “Oh Ian, what’s up?” bungad niya pagsagot ng tawag nito. Kasalukuyan siyang nasa opisina sa mga sandaling iyon. Matapos niyang masiguro na nasa maayos nang kalagayan si Luisa ay saka siya bumalik sa trabaho. “Kumusta na si Luisa?” tanong pa nito. “She’s a lot better now. Nasa penthouse lang siya ngayon, nagpapahinga.” “Kuya, tungkol kay Mommy.” Napahinto sa pagtatype si Levi at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. “Bakit? Nagsalita na siya?” Narinig niyang bumuntong-hininga si Ian sa kabilang linya. “Not totally, but she’s demanding to talk to you.” Nakaramdam siya ng disgust. The last thing he wants is to face the woman who almost kills them. “Tungkol saan daw?” “Ewan ko. Tinatanong ko nga kung may kinalaman ba siya sa dalawang insidenteng nang

