“MAHAL, iyong tungkol pala sa honeymoon natin? Tuloy pa ba ‘yon?” tanong ni Luisa dito. “Oo naman, bakit mo naitanong?” “Eh wala lang, kasi nga buntis na ako.” Marahan itong natawa at inalis ang tingin sa monitor ng laptop at lumipat sa kanya. “Puwede pa naman tayo mag-honeymoon kahit buntis ka na,” sagot nito. “Wala lang. Excited na rin kasi akong mag-bakasyon tayo.” “Gusto mo bang paagahin natin?” Lumapit si Luisa dito at niyakap ito sa leeg mula sa likod. “Puwede ba? Naisip ko kasi hangga’t maliit pa tiyan ko. Kapag kasi lumaki na si baby, baka mahirapan na ako maglakad.” Tumingala si Levi at sinalubong siya ng ngiti. “Sige, kung iyan ang gusto mo,” sagot nito. “Thank you, mahal,” malambing na sabi niya saka kinintalan ito ng halik sa labi. “Nga pala, bakit bigla mo

