“LUISA, bakit ganito kaputik ang sapatos mo?” Mabilis siyang napalingon sa kanyang Tita Marga. Malamig na pawis ang lumabas sa kanyang noo kasabay ng malakas na dagundong ng dibdib dahil sa magkahalong kaba at takot. “s**t,” bulalas niya sa isipan. Pasado alas-singko y medya na ng umaga siya nakabalik sa bahay. Madalas bago mag-alas-sais o eksaktong alas-sais ng umaga nakakauwi si Nanay Elsa at sa tuwing dumarating ito, siya agad ang pinupuntahan nito. Dahil sa pagmamadali, iniwan na lang niya ang rubber shoes doon sa likod at nagmamadaling hinubad ang suot at nagpalit ng pambahay. Parang nananadya pa ang pagkakataon na dumating sa araw na iyon ang kanyang Tita Marga at ang bunsong anak nito na si Dexter at ito pa mismo ang nakakita ng sapatos niya. “Po?” kabadong tanong niya. “

