Chapter 27

1901 Words

“HOW much do you trust me?” tanong ni Levi sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Luisa na halos bente kuwatro oras na silang magkasama. Out in the open. Kasama ang mga taong importante sa kanyang buhay. Hindi nagtatago. Hindi na kailangan pa magsinungaling. Sa sobrang saya ni Luisa, hindi niya namalayan ang pagdaan ng mga oras. It’s already past midnight. They are now lying on her bed. They are not yet sleepy but she just wants them to cuddle. Tumingala siya sa nobyo at ngumiti. “More than my life.” Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon. Pagkatapos ay hinila siya palapit nito at niyakap ng mahigpit. “Mahal kita, Luisa. Mahal na mahal kita. Lagi mo sanang tatandaan ‘yan.” Nakangiti siya habang nakapikit matapos marinig ang mga katagang iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD