WALANG patid ang pag-agos ng luha ni Luisa habang tumatakbo sa kagubatan. Sa bawat hakbang ay pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na hindi totoo ang sinasabi ni Nanay Elsa at Tere. Hindi pa patay si Levi. Hindi pa patay ang kanyang asawa. Magkasama lang sila ng dalawang gabi na. Nakatulog pa siya katabi ito. May nangyari pa sa kanila noong isang gabi matapos nitong mawala ng mahigit dalawang linggo. Kaya paano mangyayari na wala na si Levi. Iyon ang pilit na sinisiksik ni Luisa sa isipan. Hindi alintana ang matatalas na sanga ng mga halaman at damo na sumusugat sa kanya. Hindi niya iyon maramdaman. Dahil wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na pilit tinatanggi na hindi na niya muli pang makakasama si Levi. Ngayon pa kung kailan nagbalik na ang kanyang alaala. “Levi!” malakas na sigaw

