DAHAN dahan gumalaw si Luisa hanggang sa tuluyan nang maalimpungatan. Pilit niyang pinikit ang mga mata na para bang gusto pa rin matulog. Mabigat pa rin ang mga talukap na lumingon siya sa paligid. Hanggang sa mga sandaling iyon ay umiikot pa rin ang kanyang paningin. Sinapo niya ang ulo at pinilit ang sarili na bumangon. Bahagya pa niyang pinilig ang ulo para mawala ang pagkahilo. Mayamaya ay natigilan si Luisa nang biglang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari. Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang narinig ang malakas na ingay sa labas. May sumisigaw, may nagkakalampag ng pinto, may tumatawa, at may umiiyak ng malakas. Doon tuluyan nagising ang kanyang ulirat at agad na lumingon sa paligid. Doon lang napansin ni Luisa na nasa estrangherong silid na siya. Sa isang maliit na k

