Hibang ba 'to? Kung ano-ano sinasabi. Baka nang-titrip lang.
Pero kinilig ako, ha. Pere nemen keseng shere.
"Ha? Ano? Naka-drugs ka ba?"
Baka nang-uuto lang 'to. Ayaw kong umasa, masakit kaya!
"Joke lang." He said while smirking.
Tinitigan ko siya nang masama at hinampas sa braso dahilan para matawa siya.
"Papansin ka? Paasa ka masiyado. Palibhasa alam mong gusto kita gaganiyan ka na? Sakit mo, tanga ka." Mataray kong sabi sa kaniya.
"Sungit mo pala, 'no?" Sabi niya sa akin habang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Hindi ako masungit. Baka ikaw? Masungit ka, 'no? Nakakairita ka na, bahala ka. Akala mo nakakatuwa ka niyan? Hindi Niko, hindi." Pagalit na sabi ko sa kaniya.
Nag-init ang buo kong katawan dahil sa ginawa niya. Pero dahil marupok ako, tinulak ko mukha niya para lumayo sa akin, hindi ko mapigilan ang kilig ko kaya napa-ngiti ako bigla.
"Tigilan mo ako, ha. Pangit mo mag-joke, hindi nakakatuwa." Sabi ko kaya lalo pa siyang tumawa.
"Mukha bang nag-bibiro ako?" Seryoso niyang sabi sa akin.
Aba, siyempre? Kakasabi niya nga lang na joke, eh? Siraulo 'to. Ilang drugs kaya ang tinira.
"Ano ba sabi mo? Joke 'di ba? Huwag ka ganiyan, umaasa kasi ako." Pagalit kong sabi sa kaniya.
Mukhang na-eenjoy niya pa ang pang-bwibwisit niya sa akin, eh. Edi wow, Niko!
"No, I really like you. Isn't obvious? I won't ask you to go out because I just want to see you. I like you, you're my type." He said while smirking.
Ano ba, parang ewan naman. Sana naman hindi siya nag-bibiro.
Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig. Hindi ko 'to i-kukwento kila Yarah, lagot ako roon.
"What? Trip mo ako, 'no?" Sabi ko para maitago ko ang kilig ko.
"Totoo nga kasi. Ang ganda mo, mabait pa. Maganda sense of humor. Alam kong masiyadong mabilis ang pag-grow ng feelings ko sa'yo. But, let me love you. I mean, it's okay if you don't want to and you're not ready. I can wait," seryosong sabi niya sa akin habang naka-titig sa mga mata ko.
"I'll court you when the right time comes."
"Para kang tanga. Sana sinabi mo na lang 'yan sa text? Niko, ang hirap mag-pigil ng kilig. Ang rupok ko." Sabi ko habang masama ang tingin sa kaniya.
Ang rupok ko talaga pag-dating sa kaniya. Ayaw kong pumasok sa commitment, pero kung siya naman mananakit sa akin. Okay lang, gwapo siya, eh.
"Kapag ikaw hindi seryoso isusumbong kita kay mama. Humimlay ka na." Pag-bibiro ko sa kaniya.
Nag-uusap lang kami tapos gulat ako dahil may dalawang babae na lumapit sa amin, nakita ata ang mukha niya. Namukhaan siguro, baka isa rin 'yon sa mga reader niya.
"Kuya Nikolai? Author?" Rinig kong sabi no'ng isa sa kanila.
"Yes?" Mabait na sabi ni Niko.
"Puwede po ba mag-take ng picture with you?" Tanong nila.
"Yes, sure. It's fine." Saad ni Niko habang naka-ngiti sa kanila.
"Hehe, hello. Puwede mo ba kami picturan kasama si Kuya Niko?"
Nagulat ako dahil sinabi niya 'yon. Aba, ang kapal ng mukha?
Pero dahil mabait ako, pumayag na ako. Ngiting ngiti 'yan girl.
"Thank you, Ate. Bakit kayo mag-kasama ni Kuya Niko? Kamag-anak mo siya?" Tanong no'ng isang babae sa akin.
"Ay, hindi kaibigan nya ak-,"
"She's my girlfriend."
—————