Pagpasok ko sa classroom, nakita kong umismid si Zendrius.
Anong problema ng lalaking yan?
“Hi crush, ket nakaismid ka gwapo ka pa rin. Wala, share ko lang.” sabi ko at nagdere-deretso sa aking upuan.
Narinig kong nagtuksuan ang mga kaklase ko.
“Psh! Ang galing sa landian pero ang bobo kapag sa eskwela na.” aniya.
Nanliit ang mata ko sa sinabi niya.
“Aba! At least, maganda! Hmp.” me
“Tsk!” Zendrius.
“Uyy! Magkakatuloyan kayo niyaaan!” mga kaklase ko. Naoangisi ako, gusto kp yan.
“Yiieee. Sana nga hakhak.” me
Napailing na lang si kwass.
“Pero, kanina nakita ka namin na may kasamang ibang lalaki, Veron. Sino yun? Gwapo din nun ah?” usisa ng mga chismosang classmate ko.
“Future husband ko.” sagot ko. Kunot noo akong nilingon ni kwass at nakasimangot pa. “Charrot. Kay kwass lng ako noh? Kinabahan ka ba kwass? Sa 'yu lang ako hakhak.” natawa na lang ang mga kaklase ko.
______
Uwian na!! Ang bilis ng oras.
“Crush! Pasabay ako hehe,” may dala siyang kotse eh, sana all.
“Psh! Di ko pinapasakay ang mga bobo sa sasakyan ko,” aniya.
Ayy grabe to! Huminto na lang ako.
“Veron?” patanong na tawag sa akin nang lalaking nasa likuran ko.
Nilingon ko ito at nakita kong si Mark yun.
“Mark! Hi,” ehe ang dafo.
“Pauwi ka na?” aniya.
“Yeah” charrot, naka English.
“Sabay na tayo--”
“Bobo, sakay na sa sasakyan ko. Pasalamat ka, naawa ako ngayon.” Zendrius.
Hinila niya ako deretso. Nginisihan ko na lang si Mark.
“Baby-- -Aray ko naman!” reklamo ko ng nauntog ang ulo ko sa may pintuan ng sasakyan niya. Magpasakay na nga lang, i-uuntog ka pa.
“Psh! Tanga kase! Lilingon pa,” aniya at hinimas ang bandang nauntog.
Ehehe, enebe kinilig ako.