bc

RIGHT LOVE at the WRONG TIME

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
drama
cheating
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Malapit na ikasal sina Dave at Samantha na parehong mga abogado. Ngunit isang trahedya ang bumago ng lahat. Naaksidente ang mga ito na sanay pauwi na. At nang araw ring 'yon binawian ng buhay si Samantha. Ilang buwan syang walang malay at halos isang taon syang nanatili sa hospital at naapektuhan ang ibabang bahagi ng katawan ni Dave, dahil para hindi sya makatayo at makalakad agad. At nakilala nya si Cindy, ang nurse na naka assign na magbantay sa kanya. Hindi aakalain ni Dave na sa loob lang din ng isang taon ay iibig syang muli sya dalaga. Pareho silang nagtapat ng kanilang pag-ibig at naging magkarelasyon sa loob ng apat na taon. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana, dumating ang araw na para bang bumalik si Samantha ngunit sa ibang katauhan, kay Kayleigh, anak ng isa sa mga kliyente na maraming pagkakahawig sa yumao nitong nobya. Nagbago ang lahat ng pakikitungo ni Dave kay Cindy, malayong-malayo sa dati simula ng makilala nito ang dalaga. Ngunit dahil ayaw masira ni Cindy ang relasyon na meron sila ni Dave, ginawa nya ang lahat at nagbulag-bulagan. At sa pagkakataong iyon, ang isa sa mga doctor ng hospital na pinagtatrabahuan nya ay may lihim palang pagtingin sa kanya. Hindi nya magawang aminin ang nararamdaman dahil alam nyang may nag-mamayari na sa puso nito. Ngunit darating ang araw na makikita ni Cindy ang totoong hinahanap at maranasan kay Liam. Para sa kay Cindy, na minsan ng umibig ng totoo, anu ang pipiliin nya? Ang tanggapin ang pag-ibig ni Liam ngunit sa maling pagkakataon o manatili sya sa piling ni Dave kahit alam nyang nasasaktan sya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Parang estatwang hindi makagalaw sa kinatatayuan si Cindy. Pakiramdam nya ay may kung anung matulis na bagay ang nakatusok sa dibdib nya, hanggang sa namalayan nyang unti-unti na din pumapatak ang mga luha sa mata nya. Nasa harapan nya ngayon sina Dave at Kayleigh, plano nyang surpresahin ito ngunit lingid sa kaalaman nyang sya pala ang maususurpresa. Magkayakap at magkalapat ang mga labi nito. Gusto nyang lumapit at komprontahin ang mga ito ngunit natigil sya. Nag-isip at kumalma. Tumakbo sya palayo habang umiiyak, wala syang pakialam kahit san sya dalhin ng paa nya. Ni hindi nya sinubukang lumingon pa at tuloy tuloy lang sya sa pagtakbo. Samantala..... Nang makarating si Dave sa condo unit nila ay pinagpag ang suot nyang makapal na jacket. Nilalamig sya at mabilis na pinindot ang passcode at binuksan iyon. At bumungad sa kanya ang malaking printed na "HAPPY 4th ANNIVERSARY" na nakadikit sa wall. Napasapo sa ulo si Dave. Huli na bago nya maalala na anniversary nga pala nila ni Cindy. Humakbang sya para hanapin ang nobya dahil sa tuwing ginagawa nya ito ay nasa pintuan na ito bitbit ang cake para surpresahin sya ngunit sa mga oras na iyon ay wala si Cindy. Hinahanap nya ito sa kwarto, sa kusina at maging sa banyo ngunit wala ito. Kinuha nya ang celpon sa bulsa ng jacket ngunit hindi nya ito makontak. Sinubukan nya ulit itong tawagan ngunit ganun pa din, inisip ni Dave na baka may binili lang ito sa convenient store kaya naisip nyang maligo muna dahil nabasa sya ng ulan kanina. Madaling araw na nang makabalik si Cindy sa condo, pabugso bugso na din ang ulan. Pagbaba nya sa taxi ay nagtatakbong lumapit sa kanya si Dave at may dalang payong. "Honey....what happen? Oh god! Basang basa ka? Where have you been? Kanina pa kita hinahanap at hinihintay, nakatulog na nga ako e...teka uminom ka ba? Nakita ko din yung surprise mo sa loob---" sunod sunod na sabi ni Dave. "Pasok na tayo sa loob, malakas na ang ulan." Malamig na boses ni Cindy at iniwan ang nobyo sa labas. Nagtatakbo naman na sumunod si Dave sa kanya na may pagtataka. Pinagbuksan pa ito ni Dave ng pinto at mabilis na tinupi ang payong. Nagtatakbo ito na parang bata palapit kay Cindy. Ngunit nagtataka pa din sya kahit alam nyang nagpapapansin na sya ay Wala pa din itong imik at patuloy lang sa pagtanggal ng sapatos at jacket nyang basa. "Hey, honey...what's wrong? Hey...I know you're mad at me kasi nakalimutan ko na naman. Sorry, na. I promise huli na ito. Next year na anniversary natin babawi ako, I promise..." Pang aaliw nya rito ngunit wala pa din imik si Cindy. "Galit ka talaga? Sorry na...nakita ko pala yung binili mong wine, alam na alam mo talaga yung paborito ko ah. Come on, let's celebrate..." Pagpapatuloy ni Dave. "Hindi na. Lilinisin ko nalang yan pagkatapos ko maligo. Hindi mo na kailangang bumawi, ngayon o sa susunod pang mga taon. Pagod na ako. Pagod na ako sa lahat, Dave." Walang emosyon na sambit ng dalaga. Natigil si Dave. "What do you mean?" "Maliligo muna ako." Naiwan na tulala si Dave. Hindi nya alam ang sinasabi ni Cindy ngunit pakiramdam nya ay may laman at kahulugan iyon. Napaupo sya at binuksan ang wine. Mabilis siyang nagsalin sa baso at ininom. Kinalma ang sarili at hindi na pinansin pa ang sinabi ni Cindy at inisip na baka napagod ito sa pag set up ng surprise sa kanya at baka nagtatampo lang. Pagpalik ng dalaga,Isa Isa nitong pinulot ang mga lobo at tinusok ng pin. Tinaggal din nya ang nakapaskel na tarpulin na may kuha nilang dalawa na labis ipinagtataka ni Dave "Honey, what are you doing??" Pigil nito sa ginagawa nya. "Tabi Dave. Sinabi kung lilinisin ko na ito pagtapos ko maligo hindi ba?" "It's our anniversary, bakit mo sinisira?" "Ha." Napangisi ang dalaga. "Anniversary? Alam mo ba talaga na anniversary natin ngayon o nalaman mo lang dahil may nakita ka na namang surpresa ko?" Matigas na sabi ng dalaga. "Of course I know it---i was busy, and you know that..." "Busy? Talaga ba, Dave? Alam mo, kung talagang alam mo at pinapahalagahan mo ang relasyon natin hindi mo kailan man iisipin na busy ka...unless iba ang pinagkakaabalahan mo." "Come on, Cindy. Alam ko nagtatampo ka, babawi nga ako diba? And I'm sorry. I'm sorry kasi hindi ko natutunan ng pansin ito. At saka sinabi ko din naman na hindi mo na kailangan pang mag abala para sa anniversary natin. But still ginagawa mo pa din..." Tumalikod sya kay Dave ng marinig iyon at pinipigilan nya ang sarili sa lahat ng pwedeng masabi at magawa nya kaya ipinagpatuloy nya ang pagkalas sa tarpulin. "Cindy....anu bang ginagawa mo? Stop that...is this because, pinaresign kita sa trabaho mo at hindi kita pinayagan na pumunta sa Japan kaya ka nagkakaganyan?" Sambit ng binata. "Talk to me, Cindy. Alam mo ang dahilan kung bakit ko ginawa yun dahil alam kong pagod ka na----" natigil si Dave sa pagsasalita ng malaglag ang hawak na gunting ni Cindy. "Oo tama ka, pagod na pagod na ako Dave...pagod na pagod na ako sa lahat! Pagod na pagooddd!" At humagulhol ng malakas ang dalaga at pinaghahampas ang nobyo. "Ci-cindy..." Nauutal na sambit ng binata at naguguluhan. "Hindi ka naman ganyan dati. Kelan pa Dave? Kelan pa??" Pagpapatuloy ni Cindy habang sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha. "Wh-what are---" "Akala mo ba hindi ko alam? Subrang sakit! Nasasaktan ako sa tuwing magsisingungaling ka, nasasaktan ako sa tuwing nakikita kayong magkasama, nasasaktan ako sa tuwing nakikita kang masaya ka sa kanya, nasasaktan ako na mas inuuna mo sya. Alam mo ang tinutukoy ko Dave! Hindi mo kailangan magdahilan o tumanggi...hindi mo kailangan umamin, dahil subrang sapat na ang halos araw araw na nakikita at pinaparamdam mo...tatanggapin ko Dave kahit masakit kung hindi ka na masaya saken...pero hindi, mas pinili mong magsinungaling at ngumiti sa harapan ko kahit alam mong niloloko mo ako...hindi pa ba ako sapat? Sinuway ko ang lahat, magulang, kapatid at kahit trabaho at pangarap ko para sayo. Para sating dalawa pero lahat ng yun, napunta sa wala. Akala ko magiging panalo ako kapag ginagawa kong magsakripisyo pero heto ako, talunan...ikaw, ikaw ang inaasahan kong magiging kakampi ko Sa lahat pero ikaw din pala ang unti unting sisira sa pagiging matatag ko...wala Kang ibang iniisip kundi ang sarili mong kapakanan, kahit kelan hindi mo iniisip at wala akong narinig na plano mo para sating dalawa...tao lang din ako Dave, napapagod at nasasaktan...pagod na akong intindihin ka, pagod na akong magpanggap na okey, pagod na akong isipin na babalik pa tayo sa dati, pagod na akong isipin ang meron tayo,pagod na ako maniwala sa mga sinasabi at pangako mo. pagod na pagod na ako, Dave....." Namamaos na pagsisigaw at pag-iyak ni Cindy. Napaluhod na din sya sa subrang sakit ng nararamdaman nya. Walang imik si Dave. Inalalayan nya ang nobya habang tinatanggap ang lahat ng sinasabi nito. Katulad nya, umiiyak din si Dave. "I-im so-sorry..." tanging nasambit nito. "Ba-bakit?" Patuloy na paghampas ni Cindy sa nobyo ngunit wala na itong lakas. "I'm so sorry..." Mahigpit nyang niyakap ang nobya at hinayaan na saktan sya nito at magsisisigaw. Hindi nya alam kung paano pakakalmahin ang nobya. Ang tanging naramdaman ni Dave ay may kung anung kirot din sa puso nyang hindi nya maipaliwanag kung anu. Ayaw nyang saktan si Cindy sa ganung paraan pero nangyari na.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook