Parang gusto na lamang ni Miguel na dukutin ang kanyang puso at itapon sa dagat o kaya ay dikdikin ng maso, lagyan ng Ajinomoto at ipakain sa aso. Natawa sya sa naisip. Hindi kaya hango iyon sa kanya ni Michael V? Pero agad dinng nawala ang bahaw nyang pagtawa nang maalala ang pagtanggi ni Yolanda sa kanyang pagmamahal. Masakit! Sobrang sakit pala ma-basted. Palibhasa ay first time nyang makaranas, ngayon nya lamang nalaman ang tunay na pakiramdam. Noon ay nao-OA-yan pa sya sa mga lalaking umiiyak kapag naba‑basted. Ngayon ay alam na nya kung bakit. Sobrang sakit naman pala kasi talaga. Mapapaisip ka pa na kung bakit sino pa yung gustung-gusto mo, sya pa yung ayaw sa'yo. Ang saklap! Nasuntok nya ang nananahimik na puno ng mangga sa tapat ng kanyang bahay. Naaalala pa nya ang unang

