Chapter 20

1611 Words

Napakamot si Miguel sa gilid ng pisngi habang matamang pinagmamasdan ang lalaki sa kanyang harapan. Payat, nakasalamin, makapal ang buhok, at hitik ng tigyawat ang magkabilang pisngi. Naka‑brace pa ito at uutal-utal sa sumasagot sa kanyang mga tanong.   Eto ba? Eto ba ang mananakit ng babae? Mukhang liliparin ito ng malakas na hangin anumang oras eh! Naiiling sa sariling sabi ni Miguel.   “H-Handa p-po a-akong magbayad, k-k-kahit m-magkano. W-wag lang ituloy n-ni Fammy ang k-kaso.”   “Magbayad? Nakikipagareglo ka ba, Mr. Gamboa?”   “G-Ganun na ng-nga po Atto-Attorney”   Payapang nagtratrabaho si Miguel kanina nang bigla na lamang humambalos ang pintuan ng kanyang opisina. Humahangos at nanlalatang nakiusap sa kanya ang kasintahan ni Fammy na handa itong makipag‑areglo sa babae ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD