Nangilid ang luha ni Yolanda. Hinarap sya ni Miguel. Blanko ang mukha ng lalaki at hindi umiimik. “Uy… ano ba? Magsalita ka naman! Ang hirap kaya magtapat ng nararamdaman, lalo na girl ako. Kung alam mo lang kung gaano katinding lakas ng loob ang inipon ko makapagtapat lang sa'yo…” naiiyak na sabi nya. “Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam, magtapat ng nararamdaman,” maya-maya ay sinabi ni Miguel. “Sorry… Eh ano… mahal mo pa ba ko?” Umiling si Miguel. Nanginig ang baba ni Yolanda at tuluyan nang bumagsak ang kanyang luha. Tila nataranta naman si Miguel at di malaman kung papaanong pahid ng luha ang gagawin sa kanyang pisngi. “Tsk! Bakit ka ba umiiyak?” “Di mo na ko mahal eh!” pagalit nyang sabi rito. “May sinabi ba ko?” “Umiling ka!” “Umiling ako da

