Saskia Monica's POV Hindi ako mapakali, palakad- lakad ako. Hanggang ngayon, pilit parin ini- absorb ng isip ko ang sinabi ni Savino. Wala syang sakit. That he is perfectly fine and healthy. Na lahat ng pagkaalala ko sa kalagayan nya. Na lahat ng luha na pumatak sa mga mata ko dahil sa matinding pighati na naramdaman sa katotohanan na may malalang sakit si Savino ay walang saysay dahil niloko lang nya ako. Napaupo ako. Gusto kong magalit. Pero, may puwang pa ba ang galit ko ngayon? Hindi lang kaming dalawa ni Savino ang may kinakaharap ngayon, pati na ang kapatid nyang si Santie at alam kong masakit din para kay Savino ang nangyari sa kapatid nya. Hindi ba dapat ipagpasalamat ko nalang na walang totoong sakit si Savino. Na makakasama pa namin sya ng matagal ng mga anak namin. Napaanga

