Savino's POV "Saskia! Saskia!" Hindi ako nagmamalikmata, nakita ko sya. Pero tulad ng laging nangyayari, bigla na naman syang naglaho. Hindi ko na alam kung ano ang totoo o bahagi lamang ng imahinasyon ko. Madalas kong nakikita si Saskia pero sa pagkakataon ito, parang totoong- totoo na talaga sya. Nanlumo akong napahinto sa pagtakbo para sundan ang akala kong si Saskia. Ang lakas ng t*bok ng puso ko. Na para bang talagang nandito si Saskia. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa hospital room ng kapatid kong si Nicollo. Hindi ko madalas binibisita ang kapatid ko, para lang may kung ano ang mga paa ko at dinala ako dito. Nakasalubong ko ang half-brother ko na si Alfred. Tulog daw si Nicollo kaya hindi na ako tumuloy. Nagkasabay nalang kami ng kapatid ko na lumabas ng hospi

