Saskia's POV Nagising ako sa isang puting kwarto at nakaupo ako sa kama habang naka- dextrose ang kaliwang kamay ko. Napagtanto ko na nasa isang hospital ako base narin sa naging ayos ko. Maliban sa bahagyang sakit ng puson ko ay wala naman ibang masakit sa katawan ko. Kunot- noo ako. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nadala dito. At kung bakit nandito ako ngayon? Dahil sa naiwan ko ang passport ko kaya hindi ako nakasama sa mga magulang ni Savino papunta sa Paris. Umuwi ako sa condo unit ni Savino at naabutan ko sya na may katabing babae sa kama namin mismo. At pareho silang nakahubad ng babae sa ilalim ng kumot. "Kailan mo ba sasabihin sa peke mong asawa na fake lang ang kasal nyo? I can't wait to be with you." Ani ng babaeng kilala ko. Sapagkat hindi ako nagkakamali. Si Char

