Saskia Monica's POV Hindi mawala- wala sa isip ko ang sinabi ni Charlotte. Si Savino ang itinuro nyang salarin sa nangyari noon kay Amari. Hindi ko halos matanggap ang sinabi nya sa akin. Ayaw kong maniwala sa kanya. Alam kong nagsisinunggaling lang si Charlotte at gusto lang nya na magkasiraan kami muli ni Savino. Kaharap ko si Savino, nasa isang restaurant kami, inimbita nya ako sa isang dinner. At pinagbigyan ko na naman sya. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya habang inalala ang sinabi ni Charlotte sa akin. Ipiniling ko ang ulo. No. Hindi ako naniniwala. Hindi ako naniniwala na si Savino ang nakasagasa kay Amari. Ginugulo lang ni Charlotte ang isip ko. "Bakit ganyan ka makatitig sa akin?" puna ni Savino sa akin. "W- Wala." umiling ako. " May naalala lang ako." "Akala ko na

