Saskia Monica's POV Kasama ko si Jachia, nasa isang coffee shop kami. Na- ekwento ko sa kanya ang tungkol sa huling pag- uusap namin ni Savino at kung paano pinalilito nito ang isip ko. "Iyan na nga ang sinabi ko sayo. Mukhang kailangan mo ng isang PI. Kailangan mong malaman kung ano ba talaga ang nangyari noon." aniya. Saka nya ininom ang kape na inorder nya. "Malinaw sa isip ko ang mga nangyari Jachia. Nakita ko sila dalawa ni Charlotte na magkatabi sa kama. Pati ang mga pinag- uusapan nila ay malinaw parin pero bakit parang hindi nya alam ang tungkol sa bagay na yon." "C'mon, cheer up, tutulungan kita. Hahanapin natin ang kasagutan sa mga gumugulo sa isip mo. Tatawagan ko ngayon din ang kilala kong PI." Hindi na ako nagsasalita, isang tango lang ang ginawa ko. Dumaan muna kami sa

