(Saskia) Tatlong araw lang at natapos din ang bakasyon namin ni Savino. Dahil biglaan daw ang kasal namin kaya napagpasyahan nya na sa condo unit muna nya kami titira. Ilang araw na ang nakakalipas, sa totoo lang, nakaramdam na ako ng pagkabagot sa loob ng condo unit. Aalis sya ng maaga dahil kailangan nyang pumunta sa opisina, tapos gabi na sya kung uuwi. Natapos ko nang linisin ang bawat sulok nitong unit nya at nalabhan ko narin lahat ng pwede kong labhan, nababagot na ako dahil wala na akong maisip na pwedeng gawin. Hindi pa naman ako sanay na walang ginagawa. Hinahanap ng katawan ko ang pagod minsan. Katatapos ko lang na maglinis sa buong paligid, sa araw na 'to tatlong beses na akong pabalik- balik sa paglilinis. Kaya nga sobrang kintab na nitong sahig, pati siguro langaw ay m

