Saskia Monica's POV Ito pala ang maging pakiramdam ko, magaan, ngayon na nakita ko ang taong walang humpay na insultuhin ako noon, ang taong laging nagpapabigat sa kalooban ko ay nahihirapan at iyon ay dahil sa akin. Tagaktak na ang pawis ni Charlotte habang nililinis nya ang buong pasilyo na dinumihan nya kanina. Kasalanan din naman nya ito, wala naman sa plano ko na palinisin sya pero dahil sa ginawa nyang pagsipa sa isang balde na may laman ng maduduming tubig kanina kaya ko sya pinalilinis ngayon. Dapat nyang malaman kung ano ang pakiramdam, kung gaano kahirap linisin ang kalat na ginawa nya. Kung buong akala nya ako ang mahihirapan sa paglilinis sa ginawa nyang kalat, nagkakamali sya. Napatingin sa bungad ko si Charlotte, matalim ang titig nya sa akin. Pauyam ang ngisi na ginawa k

