Third Person's POV Hanggang ngayon, hindi parin mawala ang matinding galit ni Saskia para kay Savino. Dalawang araw na nitong itinago mula sa kanya ang mga anak nila. Hindi man lamang ito nakinig sa paliwanag nya kung bakit nagawa nyang itago mula dito ang mga anak nila. At ang pinakakaiinisan nya sa lahat ay ang katotohanan na lagi syang niloloko nito. May sasabihin itong lugar sa kanya at pupuntahan naman nya para makita nya ang mga anak nila, pero pagdating nya doon, wala pala doon ang mga anak nila. Sa tingin nya niloloko lang sya ni Savino, ginawa nya halos lahat na gustuhin nito dahil gusto nyang makabawi dito sa ginawa nyang pagtatago sa mga anak nila mula dito pero nababanas na sya sa ginagawa nito sa kanya. Sa tingin nya pinaparusahan sya nito. Kaya kahit ayaw nya, lumapit sya

