----The Forgotten Wife----- - Desiree's POV "Desiree! Desiree!" binilisan ko ang paghakbang ko, ayaw kong maabutan ako ni Sir Killian. Isang pagkakamali ang nangyari kanina. Pagkatapos nya akong halikan na nakakahiya man, tinugunan ko rin kalaunan, bigla ko nalang syang tinalikuran at nagmartsa ako para iwanan sya. Napatigil ako nang naabutan na naman nya ako, at mabilis nya akong hinarangan. "Sir Killian, please, wag naman ako. Marami pa akong pangarap." hindi ko mapigilan sambit. Hindi ko narin napigilan at kusang napatulo ang luha ko. Sapagkat habang tinugon ko ang halik nya kanina, napagtanto ko na hindi simpleng paghanga ang naramdaman ko sa kanya. Ang hindi maipaliwanag na malakas na pagt*bok ng puso ko pag kasama ko sya ay dahil sa isang matinding damdamin na nakatago sa puso k

