bc

Finding Treasure... Finding Love (Class Picture Series)

book_age12+
309
FOLLOW
1K
READ
adventure
goodgirl
sensitive
bxg
lighthearted
mystery
highschool
small town
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo ay may nakatagong kayamanan. At sa lugar na iyon, nakilala niya si Art, ang tumulong sa kanya nang bigla siyang mawalan ng malay sa daan. Dinala siya ng lalaki sa villa na pag-aari ng pamilya nito.

Nakalimutan bigla ni Elisa ang pakay sa lugar na iyon. Na-focus ang atensiyon niya sa binata at sa bawat paglipas ng araw ay lalo silang nagkakalapit. Ni hindi nito inilihim ang pagkakagusto sa kanya.

Masaya si Elisa na kasama si Art. Sa maikling panahon ay natutuhan niya itong mahalin. Pero hindi siya sigurado kung ganoon din ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya, lalo at nalaman niyang kagagaling lang nito sa isang failed relationship.

At iyon ang nagpapagulo sa kanyang isip.

chap-preview
Free preview
1
"OKAY na siguro itong attire ko," sabi ni Elisa sa kapatid na si Baby na nakabantay sa kanya habang nag-aayos siya. Kahit hindi siya sanay na may ibang tao kapag nagbibihis, iba ito. Sanay na siyang nakatanghod ang kapatid sa kanya. Sa kabila ng sampung taong pagitan ng mga edad nila, magkasundo silang magkapatid. "Isuot mo 'yong kuwintas ko na bagong bili, 'yong uso ngayon. Bagay iyon sa blouse mo," sabi nito. Napangiti siya. Iyon ang isa sa bentahe na naroroon si Baby. Kritiko niya ito pagdating sa uso. Madalas ay wala siyang tiwala sa mga napipiling isuot, palibhasa ay nasanay na siyang teacher's uniform ang suot. Kapag walang pasok ay nakapirmi lang siya sa bahay. Ni wala siyang interes magbago ng style ng pananamit. Kung hindi teacher's uniform, pantalong maong at baby tee ang palagi niyang suot. "Baka naman alangan sa akin ang kuwintas mo, magmukha akong tanga." "Sus, ano ka ba naman? Pagmumukhain ba kitang tanga? Saka alam mo naman na kapag uso, hindi ka magmumukhang tanga. Bagay nga iyon sa damit mo. Sandali at kukunin ko." Pumihit lang ito sa isang bahagi ng silid na pinaghahatian nila at binuksan ang isang drawer. "Here. Isang ethnic beads, isang swarovski crystal beads. Kahit alin dito, bagay sa iyo." Tiningnan ni Elisa ang mga kuwintas at ang suot niyang printed shirt. Tulad ng dati ay maong pa rin ang pantalon niya. Pero kahit paano ay nasa uso naman iyon. Ang biro nga ni Baby, sumeksi siya sa pantalong iyon. "Itong swarovski na lang," sabi niya. "Napapanood ko na ganito ang suot ng mga artista kahit naka-shirt sila. Bagay naman." "Oo naman! Nasa pagdadala lang iyan. Ikaw naman kasi, masyado mong pinaninindigan ang pagiging noble teacher, mukha ka na tuloy old maid." "Baby, ha?" inirapan niya ang kapatid. Seventeen years old lang ito pero kung magsalita ay parang magkabarkada lang sila. "Ate, puwede ka namang maging fashionable nang hindi nagmumukhang bastusin," sabi pa nito. "Oo na. Ikaw na ang consultant ko. Dali na, ikabit mo na iyan sa leeg ko at aalis na ako. Nakakahiya naman sa mga kaklase ko. Naturingang nandito lang ako sa Sierra Carmela, male-late pa ako." "Sana marami ka pang kaklaseng binata," sabi nito habang isinusuot sa kanya ang kuwintas. "Malay mo, may kaklase ka pala noon na crush na crush ka at wala lang lakas ng loob na manligaw sa iyo. What if this is your moment?" Pinaikot ni Elisa ang mga mata. "Dadalo ako sa reunion, hindi maghahanap ng mapapangasawa!" "Grab the opportunity, Ate. Aba, hindi ka na bumabata. Sige ka, kapag daw nagtreinta na ang babae, mahirap nang manganak." "Matagal pa bago ako magtreinta!" "Akala mo lang iyon. Ako nga feeling ko, high school lang ako kahapon. Pero ilang buwan na lang, magde-debut na ako. Kaya dapat mag-asawa ka na, Ate. Hindi ka ba naaawa kina Daddy? Nanghihiram sila ng apo sa mga pinsan natin kasi hindi mo pa sila nabibigyan ng apo." Pinandilatan niya si Baby. "Busalan ko kaya iyang bibig mo? Daig mo pa si Mommy sa pagiging nagger, ah." Ngumisi ito. "Kanino pa ba ako magmamana?" "Kung ligpitin mo na kaya itong kuwarto nang maging productive ka kaysa ini-stress mo ang panga mo sa kakasalita? Punasan mo ang salamin sa mga bintana at maglampaso ka. Iyang mga unan, palitan mo ng punda. Aalis na ako." "Dapat may boyfriend ka na pag-uwi mo, ha?" hirit pa nito. Iningusan lang ni Elisa ang kapatid, saka lumabas na ng silid. Nang matanaw ang ina na naghahanda ng pagkain sa kusina ay nagpaalam na siya rito. "Mommy, aalis na ako." "Sige. Mag-iingat ka. Kung gagabihin ka at walang susundo sa iyo, tumawag ka, ipapasundo kita sa daddy mo." "Si Daddy nga pala?" "Nasa basement. Ewan ko ba kung ano ang pinagkukukutkot doon. Alam mo naman iyon, hindi mapakali doon sa journal na nahalungkat niya noong isang buwan. Mukhang naniniwala pa sa treasure kuno na nakasulat doon. Kanina, nakikipaglaro sa anak ng Ate Salve mo, eh, naka-panty lang pala si Sophia at walang diaper. 'Ayun, nang maihian, isinauli na agad kay Salve." Pinsan niya si Ate Salve. Tumango lang siya. "Sige po, aalis na ako. Pakisabi na lang kay Daddy." "Okay." "DITO NA LANG ako, Manong," excited na sabi ni Elisa sa tricycle driver. Nasa tapat na siya ng bahay nina Alejo at Fatima Mae. Kung ang mismong bahay ang titingnan, hindi halata ang gaganaping party doon. Pero hindi maipagkakaila ang mabangong amoy ng nakasalang na barbecue na ikinakalat ng hangin. Kakaiba rin ang ingay mula sa sound system. Masigla ang tugtog na pumapailanlang sa paligid. Nang makababa ng tricycle ay luminga-linga siya. Nakita niya ang mga waiter na nag-aayos ng mesa sa bandang likuran ng bahay, ang bahaging nasa harap naman ng beach. "Napaaga yata ako," aniya sa sarili habang palapit sa gate. "Tao po!" "Elsie!" masayang bati ni Fatima Mae sa kanya. "Halika, pasok ka." "Masyado yata akong maaga,"sabi niya pagkatapos makipagbeso. "Of course not! May mas excited kaysa sa iyo," tudyo nito. "Doon tayo sa likod. Nandoon ang party." "At barbecue, for sure!" nakangising sabi ni Elisa. "Amoy na amoy sa kalsada ang barbeque, Ting. Sino ang nagtimpla? Amoy pa lang, nakakabusog na." "Bigay ng sponsor. 'Di ba, may supermarket ang family nina Joel? Hinoldap yata n'on ang mga suppliers nila kaya nag-sponsor ng ilang kilong barbecue ang meat company. Marinated na nang dalhin dito. Kanina pa nga kami tikim nang tikim, eh." "Aba, baka wala nang matira sa mga mamaya pa darating," biro niya. Lumuwang pa ang ngiti ni Fatima Mae. "Ibig sabihin, iba pang mga early birds. Actually, maraming pagkain. From dusk till dawn yata ang vision ni Alejo sa party na ito kaya imposibleng kapusin tayo sa pagkain. Tara na roon. I'm sure, matutuwa silang makita ka." "Sino na ba ang mga dumating na?" "Nandiyan na sina Bebeth at Kiko. Nakakatuwa, marami pala kaming buntis dito. Si Amor, bundat na bundat na! Ako naman, nasa first trimester pa lang. Si Bebeth, hindi ko naitanong kung ilang buwan na ang dinadala pero malaki na rin. Of course, sina Joel at Amor, nandiyan na rin. Busy sa pag-aasikaso ng last-minute details." Natawa si Elisa. "Para namang years ago pa kami huling nagkita-kita. Araw-araw, nagkakasalubong kami sa Sierra Carmela." "Iba naman ito. Reunion natin ito. Napaaga lang kayo. Mamaya, darating na rin ang iba pa nating mga kaklase. Maraming nagte-text. Papunta na raw sila rito. Iyong iba kasi galing pa ng Manila. Pero si Miguel, papunta na rin daw. Kasama niya 'yong wife niya." "Okay," kaswal na sagot niya. Inihatid na siya ni Fatima Mae sa mesang kinaroroonan ng mga kaklase nila na maaga ring dumating. Nagpaalam din agad ito para harapin ang iba pang inaasikaso. "Elsie! Long time, no see!" eksaheradong bati ni Bebeth sa kanya. "Gaga! Kahapon lang, magkasama tayo sa school. Ano, tapos ka na bang mag-check ng test papers? Nakakainis naman si Ma'am Gonzales. Christmas vacation, sukat nagbigay pa ng deadline sa pagsa-submit ng grades ng mga estudyante," reklamo niya, ang tinutukoy ay ang principal ng Sierra Carmela Academy. "Ano pa nga ba? Kulang na kulang na nga ang oras ko para sa Christmas preparation, pinagpuyatan ko pa kagabi ang grades ng mga bata. 'Buti pa itong si Kiko, mukhang walang iniintindi," ani Bebeth. "Sino ang maysabi sa inyo?" sagot naman ni Kiko. "Hindi birong buong third year at fourth year high school ay ako ang may hawak ng PE subject. Tingnan ninyo ang katawan ko. Dati, pang-body builder, ngayon nangayayat na ako." "So? Ano naman ang masama roon? PE teacher ka naman. Okay lang na lean ang built mo," nakangising sabi niya. "Lean? Nangayayat na ako sa kunsumisyon sa mga estudyante. Nagsisisi nga ako kung bakit pa ako nag-teacher. Tingnan mo si Alejo, arkitekto. Si Joel, businessman. At si Lemuel, sikat na sikat. Kung alam ko lang, noong high school, dumikit na ako kay Lemuel at baka nahingahan pa ako ng galing niya sa basketball. Baka naging professional player din ako ngayon." Pareho silang natawa ni Bebeth. "Nangarap ka pa!" kantiyaw ni Bebeth. "I'm sure, wala ka ring lubay sa sarili mong basketball. Nakasabay kong mag-grocery ang misis mo noong isang araw. Naglilihi na naman pala. Panlima na ninyo iyon, 'di ba?" Tumango ang lalaki. "Masyadong fertile, eh." "Sus! Baka naman ikaw itong sobrang hilig," pang-aasar ni Elisa. "Hello, classmates!" agaw ng isang boses na sabay-sabay nilang ikinalingon. "O, Miguel," ani Bebeth. "Nasaan ang misis mo? Akala ko ba, isasama mo siya?" "Kasama ko nga. Kausap pa si Amor kaya nauna na ako rito. Nakita ko kayo, eh." Nginisihan ito ni Kiko. "Nakita mo kami o ang barbecue na nakahain? Kilala kita, Miguel. Matakaw ka pa rin hanggang ngayon." "Huwag ka namang ganyan, Francisco. Nakakahiya dito kay Ma'am Prieto," ani Miguel na ilang sandaling tumitig sa kanya. Nailang si Elisa pero hindi siya nagpahalata. "Huwag ka nang magpalusot, Miguel. High school pa lang, magkakasama na tayo. Alam na ng buong batch ang katakawan mo." "Ouch!" exaggerated na sabi nito. "Ang sakit n'yo namang magsalita." "Well, the truth hurts," tukso pa ni Bebeth. Itinulak ni Kiko ang bandehado ng barbeque sa gawi ni Miguel. "O, ikain mo na lang ang sama ng loob mo." "Mabuti pa nga." Kumuha ito ng isang stick na ikinatawa nilang lahat. Palibhasa ay pare-parehong mga teachers sa Sierra Carmela Academy, hindi nauubusan ng topic ang umpukan nila. Pero sa paghaharap nilang apat, siya ang pinakamatipid magsalita. Kung komportable siya kaharap sina Bebeth at Kiko, sinisikap niyang maging ganoon din ang kilos ngayong naroon na si Miguel. Pero may mga sandaling pakiramdam niya ay tatraidurin siya ng sarili. Baka bigla na lang ay mahalata ng iba ang isang bagay na pinakaingatan niyang manatiling lihim. Ang pag-ibig niya kay Miguel. Mahigit isang taon nang kasal ito. Mahigit isang taon na rin niyang tinuturuan ang sarili na huwag nang mahalin si Miguel. Unang-una ay bawal. Pangalawa, alam niyang masasaktan lang siya dahil halatang wala nang pag-asang matugunan ang damdamin niya. Pero hindi niya alam kung makikinig ba ang kanyang puso o patuloy na magpapakatanga. Madalas kaysa hindi, gusto niyang maniwalang tanga nga si Elisa Prieto pagdating sa pag-ibig. She had been in love with Miguel for what seemed like forever. Pero ni minsan, sa haba ng panahon na kinikimkim niya ang pag-ibig na iyon ay hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na ipahalata iyon nang kahit kaunti. High school pa lang sila ay mayroon na siyang espesyal na damdamin para kay Miguel. Nagsimula iyon noong gabi ng kanilang prom...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook