[CHAPTER 005]
A/N: continuation na po ito ng prologue... kasi kung uulitin ko pa yung linya [prologue] wala ding pinag bago, parang ni-copy ko lang. Enjoy reading mahar 😚✨
Ito na ba ang sinasabi ni miss Zaldua na kaisa-isang apo ng Don? Tss... Napakayabang at arogante. Paanong nakakatagal ang mga kasambahay sa kanya?
Pareho kaming hindi nagpapatalo, hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin namin sa isa’t isa.
Maging ang kasambahay na aligagang bumaba kanina ay hindi na namin nabigyang pansin.
“Mamaya na po kayo mag talo... Ikaw ba ang private duty nurse ng Don?” tagaktak na ang pawis sa kanyang noo. Parang naiihing hindi mapakali.
Muntik ko ng makalimutan... meron nga palang pasyente ang nangangailangan ng tulong.
“Ako nga po—” ngunit hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ng pigilan na ako ng kaharap.
“No! She is not Don’s private duty nurse. Call someone else… someone who is LICENSED and works at Horizon Springs Medical Complex. Call Dr. Rubi” pinag kadiinan nya pa ang salitang Licensed.
“Po?” naguguluhan na ang kasambahay.
“Baliw ka ba???” maging ako ay hindi makapaniwala sa kanya. “Kung sa Horizon Springs Medical Complex ka pa mag tatawag ng doctor baka pag dating ng doctor mo, wala na ang lolo mo”
Ang salubong nyang kilay ay tila nag salubong pa dahil sa narinig. Ramdam ko ang galit sa mata nya pero hindi ito ang oras para matakot.
“What do you think of yourself, professional?” parang kulog ang kanyang boses.
“Hindi pa sa ngayon! Pero kung iintayin mo pa si Doc Rubi baka wala na syang madatnan na Don sa mansion nyo—”
“That will never happen. I trust her more than you”
“Anim na oras ang binyahe ko papunta rito... ilang oras mong pag iintayin ang Don, ha!”
Nag tiim bagang sya sa galit...
“Sino ka ba?” anya. “You’re not from Horizon Springs Medical Complex, and you’re not from here either… bakit ang tapang tapang mo?”
“Ginagawa ko lang ang trabaho ko!” mariin kong sagot. “Huwag kang mag alala matapos kong bigyan ng lunas ang Don ay aalis nadin ako sa mansion nyo” gaya ng sinabi ko kanina ay hindi ako makakatagal dito. Kinakailangan ko lang manatili sandali dahil sagutin ko ang lolo nya. Kapag may nangyari sa Don ay ako ang mayayari lalo na’t ako ang pumalit kay miss Zaldua.
“I warning you. If anything happens to my grandfather because of you, believe it or not, you’ll be making headlines.”
Buong tapang ko din syang hinarap.
“Tandaan mo din ‘to! Kapag may nangyaring masama sa pasyente ko, ngayong araw mismo lalagutan kita ng hininga!” anya ko saka na nilingon ang kasambahay. “Saan po ang kwarto ng Don?”
“D-dito po... sumunod po kayo sakin”
Hindi narin naman sya nag salita at hinayaan nakong makasunod sa kasambahay nila.
_______________________