Chapter 4

738 Words
[CHAPTER 004] Kinabukasan ay ganoon nga ang nangyari. Nag paalam ako kay Doc Rubi na bibisitahin si Eugene ng tatlong linggo dahil sa kalagayan nito. Pinayagan naman ako ni Doktora na syang instructor ko din sa loob ng hospital. Pinaalalahanan din ako ni miss Zaldua na huwag itong ipag sasabi sa kahit na sino para hindi kami agad mabisto. “Wala ang mga La Sierro sa mansion nila. Tanging ang Don Alejandro lang at kasambahay nitong nag aalaga sa kanya. Kung itatanong sayo ng kasambahay, kung Ikaw ba si miss Zarita Zaldua na syang ni hired ng kaisa-isa nilang apo... sumagot ka ng oo. Tandaan mo hindi alam ng Don at ng kasambahay nila na ako ang magiging private duty nurse ng La Sierro, kaya tatandaan mo itong bilin ko. Nakukuha mo ba?” paalala nya sa akin. “Nauunawaan ko po” sagot ko pa. “Binigay ko na sa iyo ang folder... basahin mo na lang ang background ni Don Alejandro sa Horizon Springs Medical Complex para alam mo. May tiwala ako sayo... Ace” iyon lang ang huli nyang sinabi bago kami nag kahiwalay. Hindi ko pa maintindihan kung saan talaga ang lugar ng mga La Sierro gayong pinaikot-ikot lang ako ng mga bus na nasakyan ko. Mabuti na lang pagkababa ko ng baryo ay may nakita akong mamang nag ha-harvest ng sako. Tinanong ko sa kanya kung alam nya ba ang lugar ni Don Alejandro La Sierro. Mabuti na lang at doon din daw ang punta nya kaya sinabay na lang ako nito sa dala nyang trycicle. “Ano bang kailangan mo, ija at bakit hinahanap mo ang Don?” nakangiti nyang tanong ng maka byahe kami. Siguro ay nasa edad singkwenta na si manong. “Ako po kasi ang magiging private duty nurse ng Don” ngiti ko ding sagot. “Ganoon ba? Mabuti naman at nakarating ka na... Naguluhan nga din kaming lahat kung bakit umuwi ang Don makalipas ng dalawang linggo kahit katatapos lang ng operasyon nya” kwento ni manong. “Kilala nyo po ang Don?” gulat kong tanong. Ang mga sinabi nya kasi ay kasama sa mga impormasyong nasa loob ng folder ko. “Oo naman HAHAHAHA” hindi mapangalanan ang kanyang ngiti sa labi. Ilang minuto pa ang binyahe namin ng sa wakas ay makarating na kami sa lugar ng mga La Sierro. “Nandito na tayo” saad ni manong. Sumilip ako sa lugar na hinintuan saka bumungad sa akin ang house guard at malaking gate kung saan sa itaas niyon nakaukit ang malaking ‘Hacienda La Sierro’ “Tumuloy ka na lang sa loob ija... Tawagin mo na lang si Nelia” wika pa ni manong na syang ikinatango ko. Nang makababa sa trycicle ay nag pasalamat din ako sa kanya... Saka ko muling tinanaw ang arko ng La Sierro. “Malaki pala talaga ang bahay ng Don?” hindi ko pa nakikita sa labas ang bahay nila. Mali... Muli kong naalala si miss Zaldua. “Mansion” iyon ang sinabi nya. Walang tao sa guard house. Bukas din ang malaking tarangkahan. Napansin ko pa ang mga gumagapang na halaman ay unti-unti ng kinakain ang nakatayong pader. Ngunit kahit na ganon ay nag padagdag naman iyon ng ganda sa aking mata. Lalo na ng makapasok sa loob... dahil imbis na mansion ay mahabang kalsada papuntang mansion ang nadatnan ko. May mga pine tree ring nakahilera sa bawat gilid nito. Para akong nasa paraiso kapag lumalakad doon. Nang unti-unti ng natanawan ang mansion ng Don ay saka ko naman napansin ang malaking statuary fountain sa centro. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Lalo na ng makita sa malapitan ang Château mansion ng La Sierro. Para akong nasa panaginip... Ang mga ganitong mansion ay sa libro ko lang nababasa, hindi ko aakalaing makikita ko ito sa personal. Kung tatyantahin pa nga ay mukhang nasa apat na palapag ang taas niyon. Napakaganda talaga!!! Ganoon paman ay binalik ko sa wisyo ang sarili. Ang Don ang pakay ko kaya ako nandito. Sinilip ko ang malaking entrance na nakabukas na. Wala man lang katao-tao sa loob. “Tao po...” sigaw ko ng mapadpad sa entrance. Hindi pa man ako nakakapasok ay nabighani na ako sa ganda ng nakikita. Maingat akong nag patuloy. Isang modernong château na traditional sa labas ngunit moderno ang mga pasilidad na nasa loob. Panaginip ba ito? “Who are you? Where is Miss Zaldua?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD