Chapter 3

638 Words
[CHAPTER 003] Muli kong binalikan ang pinanggalingan kanina. Pagkabukas ng pinto ay mga kasamahan kong intern na ang nasa loob ng Staff Laguage. “Ace, bakit may hinahanap ka ba?” tanong ng mga schoolmate ko ng napansing may hinahanap nga ‘ko. “Si miss Zaldua... nakita nyo ba?” agap ko din namang sagot. “Nakita ko sya kanina, kausap nya si Doc Rubi sa opisina—” hindi pa man natatapos mag salita ang schoolmate ko ay umalis na’ko. Paano na lang kung hindi ko sya maabutan? Sinabi nya nadin kaya kay Doc. Rubi ang kalagayan nya? Tekaaa nga... sigurado na ba ‘ko? Saglit akong nahinto. Sigurado na ba akong kakagatin ko ang opportunity na iyon? Paano kung ma-disqualified ako? O hindi kaya’y matanggal sa hospital na’to? Baka wala ng tumanggap sakin na pag i-intern-ship-an ko. Baka umabot ito sa Saint Benedict College na pinapasukan ko. Parang gusto ko na lang tuloy umatras. Ngunit naaalala ko ang kalagayan ni Eugene. Tatlong linggo lang naman at mag kakapera na ako. Mas importante ang buhay nya. Buo na ang loob ko kaya buong tapang ko ring hinarap ang opisina ni Doc Rubi. At ganoon na lang ang panlulumo ko ng makitang wala na si miss Zaldua sa loob niyon. “May kailangan ka ba, Ace?” takang tanong ni Doc ng papasukin ako nito sa loob. “Wala po...” hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng mag paalam na ulit ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Matapos niyon ay pinauwi ko na si tiya para samahan si Eugene. Gagawa na lang ako ng ibang paraan para makakuha ng kalahating milyon. Pero kahit anong gawin ko, sa tuwing naririnig ko ang halaga ng gastos para sa operasyon ni Eugene ay para akong sirang ewan... Imposible naman kasing makakuha ako ng ganoong halaga. Kung man, baka abutin pa ito ng fifty years. Napabuntong hininga na lang ako. Sandali akong naupo sa bench ng hospital at nag iisip ng panibagong paraan. “Ace...” nang bigla ko na lang marinig ang boses ni miss Zaldua. Gulat ko syang tinignan. “Hindi na ba talaga mag babago ang isip mo—” “Payag na po ako” agaran kong sagot. “H-huh?” maging sya ay hindi makapaniwala. “T-talaga ba, sure ka?” mukhang alam nya narin ang pinupunto ko. “Opo, sure na po ako...” hindi na talaga mag babago ang isip ko. “Pero miss Zaldua...” bitin ko pa sa huli. “Ano ‘yon?” ngiti syang umupo sa tabi ko. “Hindi pa po ba expired yung offer mo saking kalahati ng sweldo mo ay ibabayad nyo po sakin?” wala na’kong magagawa. Ito lang ang paraan na malapit sa akin. Natawa naman sya sandali. “Ano ka ba... syempre hindi iyon mag babago. Sa katunayan nga ay balak ko na sanang sabihin kay Doc Rubi na humanap na lang sya ng ibang papalit sakin pero naisip ko ding wala din namang kwenta kasi hindi parin ako papayagan ni doc. Huwag kang mag-alala, Ace. Sayo parin mapupunta ang kalahating sweldo ko. Ano nga palang dahilan bakit bigla kang napapayag?” tanong nya. Naikwento ko din naman ang dahilan. “Basta ibibigay ko na lang sa iyo ang mga information tungkol sa paseyenteng aalagaan mo. Siguro naman may alam ka sa pag aalaga ng katatapos lang sa transplant?” paninigurado nya din. “Opo” sagot ko. “Bukas na bukas na ang magiging alis mo, ganoon din ako. Mag iwan ka na lang ng sulat kay Doc. Rubi na dadalawin mo si Eugene at matapos ang tatlong linggo babalik ka na dito. Pupuntahan kita sa mansion ng mga La Sierro pagkatapos” anya. “Mansion?” hindi ko na iyon isinatinig. Tumango na lang ako bilang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD