[CHAPTER 002]
Matapos ang usapan namin ni miss Zaldua ay lumabas na ako ng staff Laguage, dala-dala parin ang mga napag usapan kanina. Mabuti na lang talaga at nakita ko ang kaibigang si Anica na palinga-linga sa kung saan. Animo‘y may hinahanap itong kung sino.
“Anica, anong ginagawa mo dito?” tanong ko nang ako ang unang makakita sa kanya.
“Ay palakang b*lat!!!” napahawak pa sya sa dibdib dahil sa gulat. “Letche kang babae ka... kanina pa kita hinahanap, kung saan saan ka na naman nag susuot” sermon nya sa akin.
Kinunutan ko sya ng noo. Bakit naman ako hinahanap ng babaitang ito?
“Wala pa namang lunch ah! Gutom ka na agad?” tanong ko.
“Alas-dies pa lang, natural wala pang lunch... pero baka makatay kita ng wala sa oras dahil kanina pa nag iintay sayo ang bisita mo.”
“Bisita? Sino?” nilingon ko ang likod nya na akala mo‘y makikita ko iyon doon.
“Nasa lobby puntahan mo na lang. Paki-kamusta na lang din ako, ah! Hindi na din kasi ako nakipag kamustahan dahil marami pa akong dapat asikasuhin... sige na mauuna na ‘ko” hindi nya na ako pinasalita at nauna na nga sya.
Sino naman kayang bisita iyon?
Dali-dali din naman akong nag punta ng lobby para hanapin ang taong kanina pa daw nag hahanap sa akin. Habang papalapit sa lugar na pupuntahan ay nakita ko na ang anino ni tiya Sabel na nakaupo sa benches chair.
“Tiya?” hindi maintindihan ang gulat at galak ko sa itsura ng makita ko sya.
Anong ginagawa nya dito?
Ngiti nya din akong sinalubong ng yakap at halik sa noo.
“Bakit po kayo nadalaw? Kamusta po kayo?” sunod-sunod kong tanong ngunit imbis na sagot ay pangangamusta lang din ang sinukli nya.
“Kamusta ka, Ace?” si tiya Sabel.
“Ayos lang po... mababait po ang mga tao dito. Hindi naman po ako masyadong nahihirapan. Kayo po kamusta po kayo? Si Eugene, kamusta na po sya?” tanong kong muli. Bigla naman syang natahimik sa hindi malamang dahilan.
“May problema po ba?” nag aalala kong tanong sa kanya.
“Ano kasi... Ace. Ang totoo, iyon din ang dahilan ng pinunta ko dito” nahihirapan syang mag salita. “Si Eugene kasi... nasugod na naman ulit sa hospital—”
“Po?” gulat kong tanong. Maging ang mga nakarinig sa akin ay napalingon din sa lakas ng boses ko. “A-ano pong nangyari sa kanya?”
“Inatake na naman sya sa puso... Limang araw na syang nasa hospital. Hindi ko pinaalam sa iyo dahil ayaw kong mag-alala ka. Pero kahapon lang din sinabi ng doctor na hindi na kakayanin pa ng mga recita ang ipapanlunas kay Eugene.” saglit syang nahinto. “Ace, kinakailangan nang maoperehan ni Eugene sa madaling panahon”
Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa narinig. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
“Five hundred thousand ang halaga na kailangang ibayad para sa operasyon nya. Hindi sapat ang perang meron ako. Hindi ko nadin alam ang gagawin ko” naiiyak na si tiya. Maging ako ay pina-process pa sa utak ang lahat ng sinabi nya.
Saan ako makakakuha ng ganoong kalaking halaga? KALAHATING MILYON NA IYON!!!
Hindi sasapat ang allowance na ibinibigay sa akin ng hospital. Para nakong mababaliw.
Ngunit bigla ko na lang naalala si miss Zaldua, pati ang mga pinagusapan namin kanina. Sa dami-dami ng pweding isiping paraan bakit ang scenario pa na iyon ang pumasok sa isip ko.
“May problema ba, Ace?” napansin narin ata ni tiya ang pagiging wala ko sa wisyo.
“Sandali lang po... babalikan ko po kayo”
______________________