Touch Me Mr.Volkovsky

551 Words
[CHAPTER 001] ACE P.O.V Pangatlong buwan ko nang intern dito sa Horizon Springs Medical Complex Hospital. Siyam na buwan pa bago ulit ako makabalik ng Saint Benedict College. Gayon pa man ay hindi naging mahirap para sakin ang makisalamuha sa kanila, lalo na‘t mababait ang mga tao dito. Magagaling din mag turo ang mga instructor kaya mabilis naming nagagampanan ang pagiging intern sa loob, sa katunayan nga ay wala pa kaming disqualified na natatanggap... Kaya laking gulat ko na lang ng marinig ang pakiusap ng isa sa matagal ng nurses ng hospital. “Sige na, Ace... pag bigyan mo na ako. Ikaw na muna ang pumalit sa akin, importante lang talaga itong pupuntahan ko” Kanina pang nakikiusap si miss Zarita Zaldua sa akin. Ang private duty nurse na inatasang mag babantay kay Don Alejandro La Sierro. Mapapansin pa sa mata nito ang lungkot at panlulumo. “After three weeks babalik din agad ako... ibibigay ko din sayo ang kalahating matatanggap kong sweldo. Gusto mo seventy pursyento pa ang mapunta sayo, pumayag ka lang.” pamimilit nya. Agaran din kasi ang balitang natanggap nya mula sa kanilang probinsya. Pumanaw na ang kanyang ama kaninang alas tres lang ng umaga. Iyon din ang dahilan kung bakit gustong-gusto nya talaga mag hanap ng papalit sa kanya. “Bakit hindi nyo na lang po ipaalam kay Doc. Rubi ang kalagayan nyo para naman po matulungan nya kayo, o hindi kaya mag hanap po kayo ng private duty nurse na lisensyado na para naman may pumalit sa inyo.” Illegal ang gagawin namin kung sakaling tanggapin ko ang pakiusap nya. Baka makulong lang ako ng wala sa oras. “Hindi naman kasi ganon kadali ‘yon eh!!! Sa Pamilyang La Sierro ako nakatoka... kahit na sabihin ko kay Doc. Rubi na namatay ang buo kong angkan, hindi ako papayagan non... At kung mag hahanap lang din ako ng ibang nurse, malalagot lang ako sa kanya” Taka ko syang kinunutan. “Hindi po ba mas malalagot kayo kung isang intern student na tulad ko ang ipapalit nyo?” Umiling sya. “Base kasi sa abilidad at kakayahan mo hindi ka na maituturing na intern lang. Maraming pumupuri sayo dahil alam ng lahat na lamang ang kaalaman mo sa ibang nurses na nag tatrabaho dito. Kung basta-basta na lang akong mag hahanap ng kapalit ko, aba eh mayayari talaga ‘ko. Hindi naman kita pipilitin kung hindi lang talaga ako nilagay sa pamilyang La Sierro. Kaya please pumayag ka na” Hindi ko sya maintindihan... Bakit ba ganon na lang kaimportante sa kanya ang pamilyang ‘La Sierro’ kung banggitin nya ito? “Huwag kang mag-alala, ang Don lang naman ang mag isang nasa mansion kasama ang isang kasambahay nila. Kapag natapos na ang libing ni papa babalik din agad ako” Malalim akong napabuntong hininga. Naaawa ako para sa kalagayan nya kahit na hindi ko maintindihan kung bakit hindi sya papayagan ni Dr. Rubi. Kilala ko si doc at mabait naman talaga sya... May batas ang paaralan namin, hiwalay ang batas niyon sa hospital. Intern lang ako kaya kahit saang angulo pang tignan ay wala talaga akong karapatan. Hindi ko pweding gawin ang sinasabi nya. “Pasensya na... Miss Zaldua, pero hindi ko po tatanggapin ang pakiusap nyo” pagtatapos ko ng usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD