Chapter 16 *Saycie* “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Kara. Umiling ako at inalalayan niya akong tumayo. Tumungo agad kami sa kwarto. Kasalukuyang ginagamot ni Kara ang mga sugat ko. Tulala lang ako sa kawalan kahit mahapdi at makirot bawat dantay ng bulak sa balat ko. Sana pwede ring gamutin ang sakit sa dibdib ko. Sana pwede ring tapalan ng ban aid ang mga sugat ko sa puso. Sana mabilis lang maghilom. Agad lumandas ang luha ko nang maalala ang mukha kanina ni Zack. Ni hindi man lang niya ako nilingon. Umaasa akong sa akin siya lalapit, sa akin siya kakampi. Pero ni hindi man lang siya nagtanong o kinamusta man lang ako. Dahil sa itsura naming dalawa ni Aileen ay mas ako ang napuruhan. Ni hindi ko nga siya nabawian. Hindi ko man lang naipaglaban ang sarili ko. At ang inaasahan

