Nadia's POV
HABANG nakahiga ako sa kama at masarap ang tulog, biglang nag-ring ang aking cellphone, kaya't dinampot ko ito at sinagot.
"Hello?" sagot ko habang antok pa ang aking boses.
"Nadia! Come here and join us!" pasigaw na yaya ni Margareth, kaya naman nabuhayan talaga ako.
"What? Why? Where on earth are you?" kahit may idea na ako kung nasaan siya dahil ang ingay ng paligid dahil sa lakas ng tugtog.
"Duh, sa'n pa ba? Andito kami sa malapit na bar sa BGC and I'm with Atasha and Zarnaiah, so ikaw na lang ang kulang, kaya come join us na!" sounds like she's persuading me, kaya wala na akong tanggi.
"Oh, sure, wait for me, mag-aayos lang ako, I just woke up lang kaya, 'no." medyo mataray na sagot ko.
"Sure, see you, then. Take care sa pagda-drive, ha. `Love you, mwa!" sabay baba ng cellphone, kaya nag-asikaso na ako agad-agad.
My goodness, ano na naman kaya susuotin ko? I went to my walk-in closet, so I could choose kung ano ang susuotin ko. Finally, I decided to wear croptop and fitted jeans, partnered with the boots, and I did a little make over then deretso na sa kotse ko sabay drive papunta sa bar na sinabi niya malapit sa BGC. Pagpasok ko sa bar ay nakita ko agad sila.
"Nadia! Here! Nadia!" pagtawag sakin ni Atasha, kaya lumapit na 'ko sa kanila.
"Hi, babe" bati sakin ni Zarnaiah sabay kiss sa aking cheeks, well, yes, mukhang may tama na siya.
"Oh, here you go!" biglang lapit naman ni Margareth sa'kin.
"Yes right, by the way, can someone ordered me a drink?" I demanded pero walang pumansin sa'kin kaya ako na ang um-order para sa sarili ko.
"Hi, Miss, want to drink?" alok ng lalaking biglang lumapit sa'kin, isang chinito, matangkad and to be honest gwapo siya, pero di ko siya pinansin, ganda ako eh, ba't ba.
"Hey Miss, I'm Hakiro, and you are?" pagpapakilala niya na parang nangungulit na, kaya't nairita na 'ko.
"Mister, I don't care whoever you are, just leave me alone, please." masungit na sagot ko.
"Ang sungit mo naman, and I like that, you made me wants you more." biglang sabi ng lalaki na kinatindig ng balahibo ko.
"You are an asshole!" sigaw ko sa mukha niya sabay suntok at akmang aalis na 'ko, pero di ko inasahan na he will grab my arm and pulled me back to him, kaya di ako nakagalaw.
"You think I'm just gonna let you punched me like that?" tanong niya na may halong pagnanasa sabay ngisi, kaya talaga namang kinabahan ako ng sobra.
"P're, bitawan mo siya, babae 'yan" biglang sabat ng isang lalaki mula sa aking likuran subalit hindi ako makalingon dahil nanigas talaga ako sa kinatatayuan ko.
"Why do you care? Girlfriend mo ba 'to?" maangas na tanong ng lalaking chinito, habang hawak pa din ako sa dalawang braso.
"No." malamig na sagot ng lalaking may pamilyar na boses mula sa aking likuran, subalit 'di pa din ako binitawan nitong chinitong lalaki na 'to, kaya nagulat ako ng may lumapat na kamao sa mukha ng lalaking nasa harapan ko.
"Mayabang ka, ah. Sino ka ba ha!" sigaw nang lalaking chinito, at gumanti sa lalaking nasa likod ko, kaya nakawala na ako sa pagkakahawak niya, at laking gulat ko ng si Damon pala ang lalaking 'yon.
"Stop, please, stop!" pumagitna na ako kaya't natigilan silang dalawa, kaya't umalis na ang lalaking chinito at bakas sa mukha ni Damon ang pagkagulat ng makita niyang ako pala ang babaeng tinulungan niya.
"Thank you and I'm sorry kasi napa-trouble ka pa." sabi ko ng bigla akong lumapit sa kaniya.
"Okay, mauna na 'ko." cold na sagot niya.
"Hey, wait! Wala ka bang gustong maiinom or what? My treat, I swear." tanong ko, but like usual, hindi niya ako sinagot agad at tiningnan lang ako.
"No, I'm fine, thanks." sagot niya sabay alis.
Grabe talaga 'yong lalaking 'yon, ang lakas ng mood swing, parang kanina lang ang bait dahil niligtas ako sa mokong na chinitong lalaki na 'yon, tapos ngayon biglang ang sungit na naman o parang na-dissapoint yata kasi ako pala 'yong tinulungan niya. Ay, ewan bahala s'ya.
"Oh my gosh Nadia, what happened to you?" alalang tanong ni Atsaha.
"Are you fine? Did he hurt you or what? Are you hurt?" sunod-sunod na tanong ni Zarnaiah.
"Guys, chill, I'm fine. All fine, he just grabbed my arm but luckily someone rescued me." pagpapaliwanag ko.
"Oh, so who is this Nadia's knight and shining armor?" tanong ni Margareth na may halong pang-aasar.
"Do you guys remember the guy na nakabunggo sa 'kin kaninang umaga?" I asked.
"Oh, yes, I do remember him, 'yong guwapo na matangkad, si Hottie?" tanong ni Zarnaiah, kaya napatango ako at napahawak naman siya sa kaniyang bibig.
"Oh. My. Gosh. You mean, the man who saved you, was Hotiie?" kilig na tanong ulit ni Zarnaiah, 'tong lukang 'to, Hottie ba naman ang itawag kay Damon!
"Yes, apparently it was him." sagot ko.
"Oh, my gosh, Nadia, baka you guys are really for each other talaga, I mean, what a coincidence, right?" Margareth said, sabay tawa niya sa naiisip niya.
"Oh, shut up guys, stop me with your fantasying thoughts." sagot ko sa kanila sabay tawa.
Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa aming table at nag-inom, minsan ay tatayo para sumayaw sa dance floor, but after a few hours, parang natatamaan na ako, kaya tumigil na 'ko at nagpahinga na sa kotse bago mag-drive pauwi, s'yempre naman diba, I don't want to die pa kaya. Habang nagpapahinga ako sa kotse, may kumatok sa aking window car, kaya binuksan ko ito ng bahagya.
"Yes, what do you need?" I asked.
"Nakaharang 'tong kotse mo, hindi ako makalabas, kaya kung puwede, Miss pakitabi, please, mukhang hindi mo kasi naririnig, kanina pa ako nabusina dito." mahabang paliwanag ng lalaki.
"Oh, I'm sorry, I'm sorry" 'yon na lang ang nasabi ko.
"Oh, my gosh, nakatulog ba 'ko?" tanong ko sa aking sarili, so nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago tuluyang umalis sa parking lot na 'yon at umuwi.