Damon's POV
IT'S been a week since I entered law school, bago ako dito sa paaralang papasukan ko ngayon dahil nagdecide akong lumipat ng bahay, kaya ang ending, nag-transfer din ako dito sa malapit na law school sa tinitirahan ko, anyways, you know what? Being a law student is really far from what I experienced on College, most probably in High School, because here in law school, hell week is every week, yes it is so hard but everytime I think or imagine of who I become six years from now, makes me keep going and strive harder.
"Damon, Damon, Damon, Lunes na naman, nakakapanghina parang isang blink ko lang ang weekends, eh" sabi ko sa sarili ko, sabay bangon dahil nakita kong malapit nang pumatak ang alas-siyete and I'll be late na, madali akong kumilos sabay alis.
Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa school, sabay deretso sa parking lot, ngunit bago ako makapag-park ay todo na ang busina ko sa isang babaeng tila wala sa sarili, kaya't tinigil ko ang sasakyan at binuksan ang bintana upang sabihan siya na tumabi.
"Miss, excuse me, puwede bang tumabi ka sa daan?" pakiusap ko at mukang natinag naman siya
"Ay, pasensiya na, pasensya, sorry talaga" paulit-ulit na hingi niya ng tawad sabay takbo, anyways, mali-late na 'ko kaya't dali-dali akong naglakad habang hawak ang aking mga libro, but suddenly, I bump into someone and nahulog lahat ang mga librong hawak ko, so I pick it all and just go away, without even saying sorry to the girl that I bumped with, wherein ilang beses niya pa akong tinawag subalit hindi na ako lumingon pa sa sobrang pagmamadali at takot na ma-late.
"Is this seat taken?" tanong ko kay Emily, pertaining into the vacant seat beside her.
"I don't know, eh. Kakadating ko lang kasi." she replied, so naupo na lang ako do'n kasi mukang wala pa namang nauna sabay tungo muna saglit sa aking kinauupuan.
Pagpasok mo pa lang sa classroom namin, makikita mo na agad ang mga studyanteng seryoso sa pag-aaral or 'di mo na sila makakausap sa sobrang pagkatutok sa mga inaaral nila, what do we expect 'di ba, nasa law school ako, eh and I am here in higher section, kung saan lahat competitive.
"Hey, Damon" mahinang tawag sakin ni Emily, pero hindi ko siya pinansin dahil parang pakiramdam ko kulang pa 'ko sa tulog, until someone wake me up with the familiar voice.
"Hey, newbie, wake up" sabi ng isang familiar na boses, kaya't iniangat ko na ang aking ulo at tama nga ako, I already met her beacuse she was the girl that I bumped with. Nagulat ako sa pagsigaw niya dahil nakilala niya 'ko bilang ako daw 'yong nakabangga sa kaniya na hindi man lang humingi ng tawad, pero hihingi sana ako ng tawad kaso narindi ako sa kaniya at nairita dahil umagang-umaga kung maka-bunganga akala mo may nangyaring masama sa kaniya.
"That's my seat, so alis diyan" pag tataray niya pa.
"Okay." sagot ko, kasi malay ko bang upuan niya pala 'yon, napaka-arte, kaya umalis na lang ako pero mukhang 'di pa sya nakuntento dahil tinawag na naman ako at ang magaling na babaeng 'to, may nickname na agad ako sa kaniya "Jag Boy" daw. Saaan niya naman kaya nakuha 'yon? Napatingin ako sa suot kong damit which is ang brand ay Jag, napangisi naman ako sa idea na naisip ko kung saan niya nakuha 'yong nickname ko na 'yon.
"`Di mo ba 'ko kilala, ha?" tanong niya sa 'kin, napatitig ako sa kaniya, dahil sino ba namang hindi makakakilala sa babaeng 'to, na apo ng Dean namin at mukhang famous pa dahil noong dumaan ako sa hallway kung saan nabangga ko siya ay naghihiyawan at nagtitilian ang mga tao sa paligid habang sinisigaw ang pangalan niya.
"Ehem! For your information, ako lang naman si Samantha Nadine Hortalezza, Nadia for short. Lolo ko lang naman ang Dean ng school na ito at isa sa shareholder ng school." pagpapakilala niya, na mukhang may halong pagyayabang, samantalang wala naman akong pakialam, kaya't tinanong ko kung may sasabihin pa siya, ngunit sagot niya ay wala na, kaya't umalis na ako at humanap ng ibang mauupuan.
"Good day, class! Everybody be prepared for our recitation today." biglang pasok at bati ng professor namin sa Criminal Law I, habang hawak ang mahiwaga niyang index card na naglalaman ng mga pangalan namin at sabay bunot.
"Alliah Joyce Marasigan, the girl saw her husband having s****l i*********e to the other girl in front of her, and out of anger, the girl killed her husband, so what will happen to the girl after killing her husband? And to be cleared they are legally married." tanong ng professor namin.
"The girl who killed her husband will be suffered under the penalty of destierro, because according to the Article two hundred fourty-seven of the Revise Penal Code, if you are married to each other and you saw your partner having s****l i*********e with another person, it is understood in the court if you kill them both immediately." simple but tumpak na sagot ni Jham.
"Okay, sit down, Ms. Marasigan."
Hanggang sa nagdere-deretso ang klase at ng patapos na ito, ay nagtawag pang muli ang aming professor.
"Okay, last call, Ms. Samantha Nadine Hortalezza. Mr. Perez is a secretary into the congressman's office but wanted a higher position, so he asked Congressman Fernando about what will he do, to be in his desired position, and Congressman Fernando asked him for a money as an exchange, what law did Mr. Perez and Congressman Fernando violated?
"Mr. Perez committed into the act of bribery while the Congressman commit under Section three (c) of the Republic Act No. three thousand nineteen wherein, those government officials that accepts bribe or offers or gift that will benefitted him or her will be punish an imprisonment for not less than one year nor ten years and will be terminated into their position."
"Very well said, Ms. Hortalezza, thank you."
Madaming nagsasabi na matalino nga daw talaga 'tong si Samantha at maganda pa, and I guess tama sila, pagkatapos sumagot ni Samantha ay sabay tunog ng bell, hudyat na start na ang aming break time, kaya't nagpaalam na din ang aming professor, sabay dumeretso ako sa library, dahil nga parang kulang pa ako sa tulog kaya doon ko ito itutuloy.
"Hoy, pare, tara na. Nakita ko si Nadia pababa na, bilisan mo d'yan." yaya ng isang lalaki sa isa niyang kasama mula sa aking likuran, na mukhang may gusto doon sa babaeng 'yon na akala mo kung sino.
"Ah, gano'n ba, sige tara na nga." pag sang-ayon naman nang isa, sabay alis.
Pagkatapos ng lunch break ay dumeretso na 'ko sa classroom at may pumasok na isang professor at ini-announce na wala nga daw ang professor namin sa ngayong subject, kaya maari na daw kaming umuwi, habang pauwi na 'ko ay nakita ko na naman si Samantha na papunta pa lang sa classroom. Naku, bahala siya d'yan, sabay deretso ko sa parking lot at nagmaneho na pauwi dahil pakiramdam ko talaga pagod na pagod ako ngayong araw.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Mommy ng yakap.
"Hi, Mom." sabay halik sa kaniyang pisngi.
"Oh iho, bakit ang aga mo yata ngayon?" tanong ni Mom.
"Wala po kasi 'yong professor namin for the last subject, kaya pinauwi na din po kami." sagot ko
"Oh, great! Sakto, I made cookies, you want some? Come and join me" ngiting-ngiting anyaya ni Mommy.
"Mom? I badly want to, but I really am so tired and I want to rest na po, I'm sorry, bawi po ako sa 'yo later, okay?" malambing na sabi ko dahil alam kong magtatampo na naman siya.
"Ah, gano'n ba? No problem baby, I understand, go to your room na." she said with a smile on her face sabay kiss sa cheek ko.
"Thank you, Mom. I love you."
"I love you, baby" tugon niya, sabay akyat ko sa aking kwarto at nag-proper hygiene sabay higa sa aking kama. Finally, home sweet home.