RMS 1: The Drug Transaction

1187 Words
ALEJANDRO'S POV: MEXICO, SUNRISE DRUG CARTEL Kasalukuyan kaming nasa madugong engkwentro ni Eris laban sa mga mismong tauhan ko na nais mapatumba ang assassin na gustong magpa-patay sa akin. Naghagis sila ng bomba sa kinaroroonan namin kung kaya't nagmadali kami sa pagtakbo ni Eris at tumalon sa kabilang bubong ng sumabog ito. Tumilapon kami sa matigas na simento at nagpapaulan ng bala sa amin ang mga tauhan ko. "Damn it, Eris! Come on!" sigaw ko sa kanya dahil sunud-sunod na ang mga bomba na ibinabato nila sa amin sa rooftop. "Wait! hindi ko pa nababaril ang Alejandro na iyon!" sigaw niya sa akin at saka ikinasa ang shotgun niya at itinutok kay Zendrik. "Ugh, forget it! let's go!" saad ko sa kanya sabay kuha ng kamay niya at tumakbo na kami palayo. "Damn it Zendrik! bitiwan mo ako, papatayin ko ang Alejandro na iyon!" pagpupumilit niya. I am Alejandro. f**k. Kung alam mo lang wala sana tayo dito ngayon at nakatutok na iyang baril mo sa akin. "Mamili ka, si Alejandro mamamatay o tayong dalawa?!" sigaw ko sa kanya dahil hindi na kami magkarinigan sa dami ng mga bombang sumasabog sa lugar. Bumaba kami sa isang rooftop at sumakay sa isang armored car na tila inabandona na ng mga bandido. I checked the gas and it's loaded kung kaya't swerte na naming maituturing iyon. "Drive, drive, bilis!" utos niya sa akin at pinaharurot ko naman ang sasakyan. Ngunit pilit kaming hinahabol ng kampo ko. Ring ng ring ang cellphone ko ngunit hindi ko iyon pwedeng sagutin. "Tangina!" saad niya sabay punta sa likod upang makipagpalitan ng bala sa kampo ng kalaban. What I like about Eris is that she knows how to target her prey. "Zendrick, yuko! Damn it!" saad niya na hinawakan pa ang ulo ko para mapayuko ako dahil nagpakawala na naman ng granada ang kampo ko at muntik ng tumilapon ang aming armored car "Damn it Eris, don't touch me! I might lose control on this thing," saad ko dahil ayoko ng hinahawakan ako sa ulo ngunit ang isang 'to sinasabunutan na ako. "Just drive fast! I'm the boss here, remember?!" paalala niya. Right. She's the boss. "Ouch! Stop pulling my hair, I can't drive, damn it, Eris!" sigaw ko sa kanya. "Oppss, sorry," saad niya na binitiwan ang ulo ko at kumasa ng baril niya upang paputukan ang kalaban. "Ah–!" saad niya. "Eris, you alright?!" tanong ko. Bumalik siya sa upuan at niya at nakita ko ang duguan niyang braso. Pinunit ko ang kapiraso ng suot kong polo at ibinigay sa kanya upang mabendahan niya ang sarili. "Thank you," saad niya habang nanginginig na ang isang kamay. She felt cold dahil sa tama ng baril sa kanyang braso. "Damn it, just keep the pressure! Malapit na tayo," saad ko ngunit mukhang walang balak sumuko si Eris. Lumuhod siya sa upuan at sinandal ang mga braso sa sandalan ng upuan at kumasa ng baril. Pinaputukan niya ulit ang kampo ko kahit na tumutulo na ang dugo sa braso niya. Binilisan ko na ang pagmamaneho bago pa maubos ang mga middleman ko ng assassin na 'to. I can see them dying while this woman beside me is throwing bullets like it's a game. She's crazy. She will kill my men one by one. I have never seen someone like this before. Ang kampo nila Eris ay narito rin dahil gusto nila akong mapatay ngunit hindi ako pahuhuli sa kanila ng buhay. They terrorized this place because they knew that I am here doing a transaction with Sunrise Drug Cartel. That's my main business as a mob. Drugs. Nang makalayo kami ay kaagad na kaming bumaba sa armored car at lumipat sa SUV na dala namin. "Alright. Safe zone," saad ko kay Eris habang hingal na hingal at hapong hapo dahil sa pagda-drive ng mabilis. Nang matapos si Zendrik at Adam sa pakikipag negotiate ay inilagay na nila sa cargo ship ang mga drugs na bahagi ko sa negosasyon namin habang si Eris naman ay badtrip na badtrip dahil hindi nagawa ang misyon. "Mayroon ka bang personal na galit sa taong 'to?" tanong ko sa kanya habang nasa SUV na kami. "Wala naman, pero bini-bwisit niya ako. Hindi ako tumatagal sa misyon ko at siya lang ang bukod tangi na napakahirap patayin. Totoo nga ang sinabi nila. Mahirap kalabanin ang Alejandro Clemente na iyon," saad niya habang kinakasa ulit ang baril. "He looks like just a rich spoiled scum," saad ko kay Eris. "Sinabi mo pa, pero hindi natin siya pwedeng hayaan na lang basta basta na nakakawala sa atin Zendric. He is Philippines most wanted, and now that he showed his true identity mukhang mas madali na para sa atin ang mahuli siya. Hindi biro ang mga transactions niya katulad nito. Nababahala ako, mukhang talamak na naman ang bentahan ng droga sa mga susunod na buwan," saad niya. "See that cargo ship? hindi natin alam kung ilang drugs ang inangkat niya ngayon," saad ko. Pero dahil ako si Alejandro, alam ko iyon. It's worth Eighty Million of drugs. "As for that, aalamin ko iyan. Sa ngayon ay bumalik muna tayo ng Pinas. Mukhang matagal pa ulit bago makipag transact ulit si Alejandro," saad niya. *** CLEMENTE MANSION "What did I say about throwing bombs on the scene?! Mga putang ina, papatayin niyo ba ako, ha?!" galit na galit na saad ko sa mga tauhan ko na ngayon ay nakahilera sa harap ko. Binigwasan ko ang isa at ang isa naman ay sinipa-sipa ko. "Mga inutil kayo, alam ninyong nandoon ako hindi ba?!" sigaw ko pa ulit habang tinitignan sila isa-isa. "Sorry, Boss, late na nabigay sa amin ni Adam yung assignment, hindi namin alam na nandoon kayo," saad ni Joe na isa sa middleman ko. "Tangina, ako pa ituturo mo?! Sinabi ko na sa inyo iyan ng isang araw, mga de puta kayo!" galit na saad ni Adam. "Sinabi mo ba ng maayos ah?! Alam ko may patakaran tayo sa pag aanunsyo ng assignment Adam, ano?! Ikaw na ba ang Boss namin ngayon ha?! Muntik na kaming mabulilyaso kahapon ng dahil sayo!" saad ni Joe. Naiinis na ako sa pag-aaway nila kung kaya't nagpaputok ako ng baril. "Enough! Sa susunod ah, alamin ninyo muna ang assignment bago kayo tumira ng tumira, tangina, mapapatay ninyo ako kahapon sa kagaguhan ninyo!" sigaw ko sa kana. "Yes Boss, pasensya na ho," saad ni Joe. "Ayoko ng inutil at tatanga-tanga sa mga tauhan ko, naiintindihan ninyo ah?!" saad ko sa kanila na nanggigigil sa inis. "Yes, Boss!" saad nilang lahat. Napatingin naman ako sa pumasok sa secret hideout ko. It was Zendric. Nagdire-diretso siya sa direksyon ko. "Boss, I recovered some of the bodies from the scene yesterday," saad ni Zendric na hawak ang isang papel na listahan ng mga namatay na tauhan ko kahapon. I lost seventy-three good men, only from the hands of Eris. f**k. I shouldn't underestimate her. "About your duties, Zendric. Leave all of it and just focus on pretending to be me," saad ko sa kanya. "Yes, Boss," saad niya. Sa gigil ko ay hinayaan kong malukot ang papel sa kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD