RMS 2: Partying With The Target

1235 Words
ALEJANDRO'S POV: "Boss, parang awa mo na! wala akong alam! maawa ka sa akin, wala talaga akong alam! patawarin niyo ho ako, Boss!" pagmamakaawa ni Eman habang nakatali ang kaniyang buong katawan sa isang upuan. "Ah talaga? wala kang alam?" tanong ko sa kanya habang naninigarilyo. Tumawa pa ako ng bahagya bago nagsalita, "Alam mo ikaw, mamamatay ka na at lahat lahat sinungaling ka pa rin eh noh. Baka nakakalimutan mo, kaya ako tinutugis ng mga assassin ngayon dahil sayo," Alam kong siya ang nagbigay ng public profile ko sa kampo ng mga Assassin's nang sa gayon ay matunton ako ni Eris at patayin. Humihithit ako sa sigarilyo ko at idinikit iyon sa kanyang sintido ng mariin. Maririnig ang sigaw sa napakalamig na rehas sa ilalim ng Mansyon. "Itatak mo sa kokote mo iyan!" nanggigigil sa galit na saad ko habang pinapaso ko siya ng sigarilyo sa sintido niya. "AhhhhHhhh! Boss, tama na ho, maniwala ho kayo wala akong kasalanan!" pinagdidiinan niya iyon sa akin kahit na hirap na hirap na ang kanyang pagmumukha. "Untie him, right now!" utos ko sa mga tao ko na kaagad nilang ginawa. Tinaggal nila ang gapos sa katawan nito at tanging ang tali lamang sa kamay ang itinira. Kinuha ko ang baril ko at ikinasa iyon. "Mayroon kang tatlong minuto para lisanin ang lugar na ito, pag nagawa mong makalabas dito sa loob ng limang minuto, malaya ka na pero kapag hindi, pasensyahan tayo," saad ko sa kanya at tinulak siya upang tumakbo. Hinabol ko siya dahil alam kong hindi niya na kayang lumayo pa pinwesto ko ang aking shotgun at ng malapit na siyang makalabas sa gate ay saka ko kinalabit ang gatilyo at umalingawngaw sa buong mansyon ang tunog ng baril ko na iyon. Kaagad na bumagsak ang taksil kong tauhan sa malamig na lupa ng Mansyon. "Ligpit niyo na yan!" utos ko sa mga tauhan ko na kaagad nilang ginawa. Naglakad ako pabalik sa underground hideout ko na may madilim na mukha. Maya-maya ay biglang nag ring ang cellphone ko, tumatawag si Eris. Kung kaya't pinindot ko na ang green button. "Hello?" "Hey Zendrik! Want to hang out tonight? We're at the Fusion Paradise Bar," saad niya sa kabilang linya. "Yeah, sure. Bihis lang ako," saad ko at saka pinatay ang tawag. Umakyat na ako sa itaas at naligo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko gagawin ang pagpapanggap na ito ngunit hindi ako pwedeng tumigil hanggat hindi ko nalalaman ang sadya nila. Wala akong ginagawang masama sa kanila at gusto ko lamang mag trabaho ng tahimik ngunit pilit nila akong pinalalabas sa lungga ko. Ang kampo nila Eris ay isa sa mga pinaka delikadong organisasyon na makakabangga mo, ilag ang mga gaya kong crime family sa organisasyong iyon. The thing about Eris is, she knows how to party. "Ey! You came, Bigboy!" saad niya sa akin sabay abot sa akin ng drinks. "Thanks, so partying huh," saad ko sa kanya sabay higop ng drinks na binigay niya. "I don't know Zendrik, I'm so stressed because of that Alejandro Clemente, the guy has so many men, like very dangerous men, they aren't even humans, they are monsters," saad niya sabay inom ng cocktail niya. "Do you really have to kill him?" tanong ko. "Yeah, noong sinabi ko sayo na wala akong personal na galit sa taong iyon, I lied," saad niya. "What? What was that for?" tanong ko. "I just don't want the argument to be long," saad niya. "So what happened? Can you tell me now," saad ko. "Uhm, some other time, malalaman mo rin ang lahat, pero ngayon ay mukhang nagsisimula pa lang tayo dahil pinag-aaralan ko pang mabuti ang target ko," saad niya sa akin. Baka nga naman may makarinig sa amin kung doon kami mag-uusap. "Hey, enjoying the night without me?" napalingon kami pareho sa nagsalita. It's L.A. again that brat assassin who wants me dead too. "That Alejandro is really my type too ngunit target mo siya kaya ibabalato ko na siya sayo. Akalain mong may bayag pala ang taong iyon. Mabuti naman at ipinakita niya na ang totoong mukha niya sa publiko, mas madali para sayo ang patayin siya kaya iligpit mo na habang maaga," saad ni L.A. "Yeah, atleast hindi na gaanong mahirap katulad noong nakaraang taon na nabubuhay pa ang tatay niya," saad naman ni Eris. "Oh, hello there, Cutie, nandito ka pala," saad sa akin ni L.A na hinaplos pa ang pisngi ko. "Cous, hands off please, stop harassing my bodyguard," saad ni Eris dahil nilalamutak na naman ako ni L.A at pinipisil-pisil ang abs ko. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilayo ako kay L.A. "KJ mo talaga kahit kailan Cous," saad ni L.A. "If you want one, you can get one, sa akin siya Cous," pang-aasar ni Eris na dumila pa kay L.A. "Tss, isip bata," saad ni L.A at lunakad na palayo sa amin. "Pagpasensyahan mo na ang pinsan kong iyon, ganon lang talaga iyon," saad sa akin ni Eris paglayo ni L.A. "Mukhang close na close kayo," saad ko. "Yeah, bata pa lang kami ay kasama ko na siya, we were cousins and best friends at noong nagsanay siya sa Underground ay sumunod din ako, nauna lamang siya ng ilang taon sa akin," aniya. "Bakit mo naisipang mag ensayo sa Underground?" tanong ko pa. "Simple lang, hindi ako lumaking matapang kagaya ng pinsan ko. I was bullied by my classmates noong elementary palang ako at gusto ko lang may mapatunayan sa kanila pero nang tumagal ako sa propoesyong ito ay hindi ko akalain na mamahalin ko ito," aniya. "So you like killing people?" tanong ko. "Just the bad ones," saad niya. "Paano kung may magtangka sa buhay mo?" tanong ko. "Sa dami ay hindi ko na mabilang kung sinu-sino ang mga halang ang kaluluwa na iyon ngunit malinaw sa akin na pumapatay ako hindi lang para sa aking pansariling kapakanan kundi para sa katahimikan at hustisya ng mas nakararami, paunahan na lang iyan. It's either ako ang mamatay o sila," saad niya sabay nilagok straight ang kanyang cocktail drink. Maya-maya ay nag ring ang cellphone niya. "Nag text si L.A nandito raw si Alejandro, halika na Zendrick! Wala tayong dapat sayanging oras," saad niya sa akin na siyang ikinagulat ko. Nandito si Zendrik? Tangina non! Hinawakan niya ang kamay ko sabay hugot ng handgun niyang Ruger 22 sa kanyang hita. Kaagad siyang umakyat sa VIP Lounge ng Bar at sinipa ang pinto non, umalingawngaw ang malakas na pagkalampag ng pinto at kaagad na tinutok ni Eris ang baril sa direksyon ni Zendrik. Naabutan namin siyang nakaupo sa couch at sinusubo ang p*********i niya ng isang babae habang nag isa naman ay hinahalikan siya. Nasa likod ako ni Eris at pinandilatan ko siya ng mata, akmang kakalabitin na ni Eris ang gatilyo ng kanyang baril kung kaya't tinulak ko siya upang pumutok sa ibang direksyon ang baril niya. Nagtatakbo sa takot ang dalawang babaeng kanina ay kaulayaw ni Zendrik. "Ahh! Tangina!" sigaw ni Eris. Dali-daling tumayo si Zendrik at kumaripas ng takbo hawak hawak ang kanyang pantalon na hindi niya pa naisasara. Kaagad na tumayo si Eris at akmang hahabulin na sana si Zendrik ngunit nakasakay na ito sa tinted na kotse niya. "That was close," hinihingal na saad ko kay Eris. "Tangina, ayun na eh!" saad ni Eris sabay bato ng baril niya sa sahig at nagulat kami pareho nang pumutok iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD