CHAPTER 1: Missing
[Xyza's POV]
Tinignan ko ang phone ko sa bag ngunit wala ito. Mukhang hindi nailagay dito ng pinsan kong siraulo. Napa tingin ako sa langit at medyo mataas na rin ang sikat ng araw. Sa aking tancha ay nasa 6:15 na ng umaga.
Nag lakad lang ako ng tahimik. Hindi alam kung saan ako tutungo. San nga ba diba? E wala naman akong ibang mapupuntahan.
"Pst pst!" May narinig akong sumitsit mula sa gilid ko kaya mabilis na napatingin Ako doon.
Nagtatago doon sa sulok ng isang kotse ang kaklase Kong babae. Payat ito, medyo curly ang brownish na buhok na hanggang balikat, naka salamin na pang harry potter ang style at naka brace. Perfect definition sya para sa isang weirdo. Isama mo pa na nag tatago sya ngayon umagang umaga. Sino kaya ang kalaro nya sa tagutaguan morning version?
"Pst." Isa pang sitsit nya. Hindi nya siguro napansin na nakatuon na ang pansin ko sa kanya. Ilan kaya ang grado nyat Hindi nya parin ako nakikita?
"Lumabas kana Penny. Kanina pa kita nakikita." Banas na nag salita ako. Napangiti sya ng malawak na halos kita na ang kanyang bagang bago lumapit sakin. Buti nalang at naka kapag timpi pa ako. Kung Hindi ay baka naihambalos ko itong maleta ko sa mukha nya. Pag nag kataon, tanggal lahat ang brace nya.
Sya nga pala si Penny. Si Penny Rise. Ang kaklase kong weirdo. Sya rin ang nangising sakin kahapon pero tinarayan ko lang. Ayy teka... Hindi ko pa nga pala sigurado kung totoo ang pangyayari na yun o Panaginip lang.....
"Napansin mo na pala ako Xyza. Nga pala bakit hindi ka muna tumuloy samin?" Ngiting ngiting bungad nya sakin. Napakunot ang noo ko.
A-anong Ibig nyang sabihin?
"H-ha?" Nag tatakang tinignan ko sya.
"Nakita ko ang ginawa ng tiyahin mo sa iyo. Naaawa na ako sayo Xyza. Kaya, ayos lang naman kung sa bahay ka muna namin tumuloy." Ngiting ngiti parin sya. Hindi ba sya nangangalay sa pag ngiti?
P-pero anong sabi nya--
"Ha?" Naguluhan parin ako. Bakit naman nya ako patitirahin sa kanila? Ang mga magulang nya, Ayos lang ba sa kanila? At tsaka hindi naman kami mag kaibigan kaya nakakahiya....
"Dali na Xyza. Mamaya maya lang klase na natin. Halika na sa bahay. Malapit lang naman yun dito. Para maka abot pa tayo sa klase!" Nagulat ako ng bigla nyang kuhanin ang maleta ko at tumakbo.
What the-
"Hoy Penny!" Nag madali rin ako sa pag takbo. Jusq! Hindi pa nga ako pumapayag e.
Nakailang takbo at lakad pa kami bago naka rating sa bahay nila. Habang nasa daa'y nakapag usap narin kami at pumayag narin ako. Aarte pa ba ako e wala naman na akong mapupuntahan?
"Thank you uli Penny. At sorry sa mga pag tataray ko sayo." Sinseryong ngumiti ako sa kanya bago nya buksan ang kanilang gate. I dont hate Penny kaya ko sya tinatarayan. I just hate everyone, in general. Period.
"Ano ba! Walang anuman yun Xyza." Muli syang ngumiti at tinapik ang balikat ko. "Tara na." Nang mabuksan nya ang gate ay iginaya nya ako sa loob.
Napansin ko lang na madalang o Hindi ko pa naririnig si Penny na mag salita ng Eng. Hindi ba sya marunong? Hmm...Kahit sa klase. Pag sasagot sya, Tagalog lagi. Pag eng naman ang subject, bibira sya mag recite at matawag.
"Pasok," masigla nya akong pinauna sa loob ng kanilang bahay. Antigo ito at karamihan sa mga gamit ay luma na. Classy tignan dahil antiques style ang sala nila. Mula sa sofa at sala set nila na gawa sa mahogany, ang kulay namang ng kurtina nila ay combination ng light at dark. At ang mga decor naman nila sa bahay ay antique style din. Halatang may katagalan na.
"Upo ka muna dyan. Tatawagin ko lang si Ina para tulungan tayong iakyat ang gamit mo. Sandali lang ahh." Tumango na lang ako. Pag kasabi nya non ay mabilis syang tumakbo sa kung san. Mukhang pa punta sya sa kusina nila.
Nasabi nya rin sakin kanina na nasa ibang banda daw ang tatay nya kaya sila lang daw ng mama nya ang nandito sa bahay. Nakaramdam ako ng kaba. Paano na lang kung ayaw ng nanay nya na manatili ako rito sa kanila? San na lang ako pupulutin? Sa pansitan? May pansitan kaya dito? Hmm I wonder...
Lumipas pa ang ilang sandali ay dumating na ang kanyang Ina. Matangkad ito, mala porsrlana ang kutis, baby face at naka pixy cut ang brownish na semi curly na buhok nya. May mga pekas din ang mukha nya. Nag muukha tulog syang foreigner sa get up nya. Kahit siguro ako ay pag kakamalan syang bagets. Hindi pa kasi matured ang itsura nya.
"Ikaw pala si Xyza." Ngumiti sya. Isang ngiting may pag kakahawig Kay Penny.
"Ako nga pala si Porcia. Maaari mo rin akong tawaging Tita Porcia kung yun ang iyong nais." Tumabi sya sa pag kakaupo ko sa kanilang sofa.
"S-salamat po T-tita Porcia." Naiilang na ngumiti ako. Sa totoo lang ay nahihiya talaga ako. Pero sabi nga nila, "Desperate times, require desperate measures" pakapalan na lang ng mukha hanggat maaari. Grab the opportunity while it last nga diba?
"Hwag kang mag alala. Malugod kitang tinatanggap dito sa bahay. Masaya ako't ayos lang ang iyong lagay. Naikwento na ni Penny sa kin ang lahat. Ang mahalaga, ligtas ka." Muli syang ngumiti. Parang gusto ko tuloy maiyak. Ramdam ko kasi na seryoso at ang sincerity sa bawat salitang binibigkas nya.
"Oo Xyza kaya wala ka ng dapat ikahiya. Tara na, ihahatid na kita sa kwarto mo. May mga uniform ako dun sa taas na sobra. Gamitin mo na lang para makapasok na tayo."
Hinigit na ako ni Penny patayo. Sa ikalawang pag kakataon, wala na naman akong nagawa. Ugh. Mukhang kailangan ko makipag kaibigan dito ng wala sa oras.
"Sige na mga ija, maligo na kayot pumasok. Xyza, ako ng bahalang magagay nitong gamit mo sa magiging kwarto mo." Bilin ni Tita Porcia. Automatikong napatango na lang ako dahil sa bilis ng pag kakakaladkad sakin ni Penny pa punta sa second floor nila.
Pansin ko lang, parang Hindi talaga sila mahilig gumamit ng English words. Ang lalalim kasi ng Tagalog nila.
"Eto ang magiging kwarto mo, ang katapat naman ay akin. Sige. Maligo kana. Dadalhin ko na lang dito ang uniform na gagamitin mo." Sabi ni Penny habang tinuturo ang kwarto ko at ang kwarto nya na mag katapat lang.
"Salamat." Tanging tugon ko na lang. Pumasok na sya sa kwarto nya at ganon din ang ginawa ko. Pag kapasok ko sa kwarto ay agad ko itong ni lock. Inilibot ko rin and Mata ko sa paligid.
Malinis. May isang Kama na sakto lang sakin. Red and black ang design ng kwarto kaya medyo madilim. Wala ring bintana kaya mainit. Pero meron namang electric fan kaya Hindi na masama. May sariling banyo dito at meron ding matinong drawer. Buti pa dito...
Pumasok na ako sa loob ng banyo at naligo. May klase pa akong dapat pasukan at may mga bagay pa na dapat linawin.
B***L
"To interpret the Spearman Rho, study the relation between x and y. If y increases when x increases, the spearman correlation coefficient is positive. If y tends to decrease whe-"
Muling naputol ang pag didiscuss ni sir ng mag bell. Simbolo na tapos na ang nakakatuyot utak nyang lesson.
"Hayst, lagi na lang kapos ang time. Anyways, we will be having our quiz tomorrow so study okay? Sige na. Class dismiss." Imbis na mag tilian ang mga kaklase ko at sumaya dahil tapos na ang klase, halos lahat sila ay nakasimalmal dahil may quiz bukas. Paniguradong wala na naman kaming maaisasagot.
Hindi kasi ako nakikinig kanina dahil panay kwento si Penny sakin na kesyo paborito nyang palabas ang IT na may bidang Penny Wise. Jusq! Napaka wirdo talaga.
Please don't get me wrong. I like Penny as a person. And thankful ako sa pag tulong nya sakin. But again, i don't wanna have friends. They're just nuisance.
Sa bandang likod ko nama'y may nag tatatoo session gamit ang ballpen. Imbis na makinig sila ay pinag didiskitahan nila ang braso ng is at isa at ginawa itong sketch pad. Sa unahan ko namay mga babaeng panay ang kilig Kay Sir habang nag tuturo. Wala sa sariling napapailing ako dahil sa mga malalantong Kong kaklase.
"Sabay na tayo umuwi Xyza." Banggit ni Penny na nag aayos na ng gamit. "Tapos manood tayo ng IT." Excited pang sabi nya. Napangiwi ako lalo.
"Gusto ko sana kaso may aasikasuhin pako." Tugon ko. Totoo naman. Hindi naman sa ayaw ko pero may kailangan pa kasi ako puntahan.
"Pag uwi ko na lang tsaka tayo mag movie marathon." Paninigurado ko. Nabuhayan sya ng loob at muling ngumiti na labas ang gilagid.
"Sige! Hihintayin kita. Ingat sa pag uwi~" she said in a singsong manner. I chuckled softly. Buti na lang talaga at may nag mamalasakit pa sakin kahit papaano. Kahit ganito ang ugali ko.
Nag ayos na rin ako ng gamit. Nag paalam na si Penny at sinabing mauuna na. Ako nama'y tinahak ang 5th Floor ng Building na ito.
Nang makarating ako dun, karamihan sa mga istudyante ay pauwi na. Dito kasi sa 5th floor ng building na ito ang room ng iba pang mga grade 11 students. Nag babakasakali akong dito ko makita si Jorenz.
Halos pinag titinginan ako ng mga istudyante. Siguro sa isip isip nila'y "bakit may taga ibang section na naligaw dito?"
Kinapalan ko na ang mukha ko at lumapit sa isang babae. "Umm Miss, may kaklase po ba kayong Jorenz?" Magalang na tanong ko. Napakunot ang noo nya at mukhang walang kilala ng ganong pangalan.
"Wala beh e. Tanong ka doon sa kabila. Baka meron."
"Ahh..ganun ba? Sige salamat." Yumuko ako't nakidaan sa ibang istudyante.
Kinabahan ako bigla. Pano na lang kung totoong may Jorenz at Hindi rin ito totoo? Baka maloka ako...
Pumunta nga ako sa kanilang seksyon. May mga papauwi narin kaya nag tanong nako.
"May kaklase po ba kayong Jorenz?" Tanong ko dun sa lalaki na may hawak na libro ng calculus.
Saglit na ibinaba nya ang libro at tumingin sakin. "Jorenz?" Tumahimik sya na animo'y nag isip bago nag salita.
"Yes. Sya yung transfer student. Bakit?" Tanong nya pabalik sakin. Nanlaki na lang ang mga Mata ko sa gulat. Kung ganon ay...
Totoo nga ang lahat.. P-pero pano nangyari yun? Nakaramdam ako ng pangingilabot bago muling ibato ang follow up question ko.
"N-nasan sya?"
Muli nya akong tinignan. "Hindi sya pumasok. Bakit mo ba tinatanong? Interesado ka ba sa kanya?" May panunuksong tingin ang itinapon sakin ng lalaki. Napakunot ang noo ko.
"Hindi noh!" Geez. Never! Gusto ko lang maliwanagan....
"Thanks." sabi ko na lang at tumalikod na. Bumaba ako ng building. Mukhang wala pa akong mapapala ngayon. Bukas Sana ay pumasok sya para masagot nya ang mga tanong ko.
Nag lalakad na ako palabas ng campus ng marinig ang chismisan at parang alitan mula sa faculty room.
Hindi sinasadyang narinig ko ang lahat kaya nagulat ako ng husto.
"Nawawala daw Si Manong Tinong."
"Manong Tinong?" Tanong ng isang guro
"Si Manong Tinong. Yung isa pang guard dito sa campus ng pang gabi ang shift. Yung kapalitan ni Mang Kanor."
"Eh? Panong nawala?"
"Nag punta dito yung Misis nya kanina. Hindi pa daw umuuwi ang asawa nya."
"Baka may kabit!"
"Oo nga. Baka nangibang bahay na ahahahahaha!"
"Wala daw kabit ang asawa nya. Malabo daw na mangabit yun dahil may tatlong anak na sila. Kaya kinakabahan yung Misis, baka daw may nangyari na sa asawa nya."
"Pumasok pa ba ang guard na yun kagabi?"
"Oo daw sabi ni Mang Kanor. Pero pag dating nya daw ng umaga, wala si Manong Tinong. Kaya akala nya'y Hindi na sya nito nahintay."
"Weird. Kung irereport naman ito sa pulis, hihintayin pa nila ang 24 hours bago I declare na missing si Manong Tinong."
Napatakip ako ng bibig. Tears started rolling down may Cheeks. s**t! A-ang guard na pinag uusapan nila. Yun ay...
Y-yun ang guard na nakita ko kagabi. Ang guard na unang i-inatake ng b-bampira....
I-ibigsabihin totoo nga ang lahat. Totoo ang nangyari kagabi....
Napa takbo ako pauwi dahil sa takot. Si Jorenz? Sya kaya ang nag ligtas sakin kaya buhay pa ako ngayon? Napahawak ako sa leeg ko pero wala itong kahit anong sugat. Pano nangyari yun? At paano ako nakauwi? Possible kayang hinatid ako ni Jorenz? Ngunit pano?
Kaya ba absent ngayon? Dahil w-wala na sya? D-dahil....
Nang makarating ako sa bahay ay agad na inilock ko ang pinto ng kwarto ko at umiyak.
T-takot ako....
Natatakot ako....
Itutuloy....