bc

Blood Lust: Cursed Heir

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
powerful
Writing Challenge
bxg
mystery
vampire
another world
others
lies
self discover
special ability
like
intro-logo
Blurb

Bloodsuckers and power hungry humans.

Vampire and Mortals.

Can they be together in the same world?

One who wants blood,

One who wants power and immortality.

Will humanity be safe around them?

Or is it the other way around?

Who's right and who's wrong?

Join Xyza as she ventures in both worlds, as she unravels the truth about herself, her origin and how the chaos started in this mad mad world.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Disclaimer: This is a work of FICTION. Names, characters, business, songs ,places, events and incidents are either products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the author. SIMULA: Locked Mag kaibang mundo. Pawang mag kaiba ang mundong ginagalawan natin sa mundong ginagalawan nila. Ng mga Bampira. Hindi maaring pag samahin dahil hindi tayo mag kapareho. Dugo. Nabubuhay sila sa dugo samantalang ang mga tao'y nabubuhay sa hangaring maging imortal. Ang mga bampira.... Pumapatay sila.  Mabangis at walang kinatatakutan. Kaya naman mas makakabuti kung maipag lalayo ang dalawang lahi. Dalawang lahing hindi maaaring maging isa. Dalawang lahing may magkaibang tingin sa buhay.  Bampira Tao Isang nag hahangad sa dugo At isang nag hahanangad ng walang hanggang buhay. Kailanman ay hindi maaring mag sama sa isang mundo. Ngunit, maaari nga kaya? B***L [Xyza's POV] "The equation of a circle is a way to express the definition of a circle on the coordinate plane. In center-radius form or standard form. It is expressed as---" napatigil sa pag sasalita ang gen math instructor namin sa pag didiscuss nang narinig ang bell. Halos lahat din sa klase ay mukhang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Pano kaya sila nag karon ng tinik sa lalamunan? Charot. "Okay class, let's continue this tommorow. Saved by the bell na naman kayo ahahahahaha" napatawa ang gen math instructor namin habang nag liligpit ng gamit nya. Napailing na lang ako. Minsan kahit anong turo nya ay wala talagang pumapasok sa kukute ko. Nakakabaliw talaga ang subject na Math. "Hindi naman sir, nag kataon lang." Dining kong tugon ng malantong kong kaklase. Jusko Pati ba naman teacher namin papatulan. Padabog na yumuko ako sa lamesa nang makitang papalabas na ang guro. Grabe! Feeling ko tuyot na ang utak ko. Pinag sunod sunod ba naman ang mga major subject sa afternoon shift namin. Kainis! Grr "Buti na lang walang iniwan na homework satin si sir. Baka mabuang nako sa lessong hindi ko ma gets." Pag mamaktol ng katabi ko habang nag liligpit na rin ng gamit. Last subject na rin kasi namin ang gen math at uwian na namin. Pero mas ginusto kong mag palipas muna ng oras dito. "Huy Xyza! Matutulog kapa ba? Uwian na ahh." Pahayag nya pero hindi ko na sya pinansin. Nanatili akong nakayuko. Hindi sya natinag at niyugyug pa ako. Sa sobrang irita ko, bumangon ako sa pag kakayuko at tinignan sya ng masama. "Pwede ba? Wala kang paki alam kahit mag over night pa ako dito." Tinarayan ko sya at muling yumuko. Isinandal ko ang noo ko sa braso ko at ipinatong ito sa arm chair. "Sungit talaga." Narinig ko pang bulong nya bago umalis ng walang pasabi. Nanatili ako sa pwesto ko ng ilang minuto bago maramdamang medyo madilim na at wala na rin akong naririnig na ibang tao. Nag kusot ako ng mata at inikot ito sa buong room. Patay ang ilaw at madalim na rin ang labas. Kinabahan ako. s**t! Parang hindi lang ako ilang minuto nakatulog dito. Tumakbo ako sa may pinto at sinubukan itong buksan. But the door stayed still. s**t! Naka lock na ito mula sa labas. Arggghh kainis na buhay to! Kinuha ko ang phone sa bulsa ko. Nakita ko ang 10 missed calls ni tita Ceres. Muling nag landas ang kabog sa dibdib ko. Tiyak na malalagot ako nito pag uwi sa bahay nila. Hindi ko na iyon pinansin pa. Sa bahay na lang kami mag bubuno. Sinubukan kong mag tipa at itext si tita na medyo matatagalan ako sa pag uwi. Ngunit kahit anong try ko, hindi ito nag se-send. Tinignan ko ang settings ng phone at wala palang signal. Lintek! Sinubukan ko uli. Tumawag narin ako pero wala parin. Kahit siguro pa mag dasal ako sa lahat ng santo, wala paring mangyayari. "If I were you, I would just sit down and wait for the guards to make rounds." Sa gulat ay nailaglag ko ang phone ko. Letse! Sinong nag salita? May kasama pa ba akong nailock dito sa loob? "Are you stupid? Hindi ako pwedeng mag hintay lang." Inis na sigaw ko kahit pa hindi ako sigurado kung sino ang eksaktong kausap ko. "Tss. Bahala ka." Napakunot ang noo ko. Hindi pamilyar ang boses nya sakin. Sino ba sya? At bakit sya na lock dito sa loob? Pinulot ko ang phone ko na nalaglag. Napapalatak ako ng makitang natanggal ang battery nito. Letse talaga! Nang maikabit ko ang battery, agad na binuksan ko ang flashlight. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang switch ng ilaw dito sa room. "Stop using that flashlight. Nasisilaw ako." Bagot na sagot nya. Halos mapatalon ako ng nandito lang pala sya sa gilid ng pinto at nakatutok mismo ang flashlight ng phone ko sa kanya. P-pero parang kanina, hindi ko dito banda narinig ang tinig nya... "S-sorry." Nailang na inilayo ko ang flashlight mula sa mukha nya. Hindi pamilyar ang kanyang mukha. Hindi rin sya isa sa mga kaklase ko. May Maputi syang kutis, may pag ka makisig ang katawan at mukhang matangkad Ito kahit nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. Itim na itim ang buhok nito na halos natatakpan na ang kanyang mata. Naka pikit lang din Ito na animo'y antok na antok. Pero teka, bakit sya napunta dito? "Stop staring" he said. Mas lalo akong nailang at napaiwas ng tingin. May itsura rin naman pero hindi ko maipag kakailang may pag ka mayabang sya. P-pero pano nya nalamang nakatitig ako sa kanya. "Don't ask. Nararamdaman kita." Napigil ko ang pag hinga ko at napakunot ang aking noo. Pano nya nalaman ang iniisip ko. He chuckled. "Don't be so surprised miss, I was just second guessing you." Sabay hawi nya sa kanyang buhok at pag mulat. "I'm Jorenz. And you are?" Nanatili syang nakaupo habang nag papakilala. "X-Xyza. Bakit ka nandito?" Sa unay nahiya ako pero napaanggat na rin ang kilay ko. Bakit nga ba sya nandito in the first place? "I'm just a grade 11 transferred student here. Pumasok ako sa room nato at natulog. I just woke up minutes ago before you were. Napag tanto kong ibang room pala ito at hindi ang room namin. The last thing I know, that door is lockep up." Pag kukwento nya sa kanyang parang inaantok paring mga mata. I can't believe this. Mukhang mahihirapan akong makalabas dito. Bukod sa may bakal ang bintana namin, dalawa ang lock ng pinto namin mula sa labas. Malas talaga grrr! "Let's just wait for the guards. I'm sure naman na may mga mag iikot para I check mga pasilyo." Buong kumpyansang paliwanag nya tsaka muling pumikit. Wala ba syang takot man lang na baka walang guard na mag ikot? Ugh. This is ridiculous. Napa irap ako sa ere at umupo na lang din. Tinignan ko ang phone ko at 5% na lang din pala ang natitira sa battery life nito. Napa buntong hininga ako. Talagang malalagot ako kay tita Ceres nito. Tiyak na bugbog sarado ako nito sa kanya. Baka pumasok ako ng may black eye. Or worst, baka hindi nako makapasok pa. Hayst. Hinilot ko ang sentido ko. Na iistress ako jusko! Tumayo ako at sumilip sa bintana. Half moon ngayon at napakaliwanag rin ng buwan. Napangiti ako. "Ma, please come back." I whispered while looking at the glistening moon. Noong nabubuhay pa si mama, lagi nyang inilalarawan ang buwan. Paborito naming tignan ito mula sa malayo at hihiling. Ang sabi nya sakin noon, kapag humiling ka sa buwan, tutuparin nya ito. Ngunit kailangan mong hintayin ang full moon. Doon daw garantisadong matutupad ang yong hiling. Halos gabi gabi nang mamatay si mama, humihiling ako na mag balik sya. Ilang full moon na rin ang lumipas pero hanggang ngayon, mag isa parin ako. Wala pa rin si mama sa tabi ko. "May problema ba Xyza?" Nagulat ako ng makitang nasa tabi ko na si Jorenz. Naknang! "Wag ka nga mang gulat! Aatakihin ako sayo e!" Umirap ako sa kanya dahil sa inis. "Hindi ka naman inatake. So ok lang." Sabi nya habang naka ngisi. Nag ngitngit ako sa inis. Ang lakas ng loob nya akong barahin. Kitang nag sesenti ako! "Ewan ko sayo. Epal!" Sabi ko at humalukipkip. Walangyang epal yan! "Its enchanting, isn't it?" He said after a while of silence. Tinapunan ko sya ng tingin at nakitang naka tingin lamang sya sa buwan. Bumaling din ang tingin ko dito at ngumiti. "Yea." Tipid na sagot ko. "Why do you think so?" Napakunot ang noo ko at mahinang natawa. "Ewan." Sagot ko na lang. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Bakit nga ba? Bakit kaya para sa mga mata ko, isa ang buwan sa pinaka nag papasaya sakin? Wala akong ibang kaibigan at tanging kapag nakikita ko ang buwan, pakiramdam ko, may karamay ako. May isang beses pa ngang nag sumbong ako sa kanya noong ingudngod ako ni tita Ceres sa pag kain ko ng malasahang palpak ang pag kakaluto sa dinuguan. Nasundan pa iyon nang itago ng mga kaklase ko ang bag ko. Nag lakad ako nun pauwi dahil nasa bag ko ang wallet ko. Pag uwi ko, ang buwan ang kinausap ko. May pag kakataon pa ngang inakala ni tita Ceres na kinakausap ko ang sarili ko't nababaliw na. Napangiti ako ng malawak. Hindi lang pala isa o dalawang beses na ginawa kong sumbungan ang buwan. Siguro nga, may saltik nako. "Nabaliw ka na ba?" Biglang tanong nya. Pinandilatan ko sya. "Hindi ako baliw. Masamang mambintang. Tandaan mo yan epal." Walang gana kong sagot. Ang kapal talaga ng apog nya. "E bat ka ngumingiti ng mag isa?" "Masama?" "Oo." "At bakit?" Naiiritang tanong ko "Kasi baliw lang ang gumagawa non." Pilyo nyang sagot. Nabatukan ko si tanga dahil sa inis. Hindi sya agad nakaiwas kaya mukhang nasaktan sya. "Baliw. Takas sa mental." Pag aasar pa nya ng may halong nakaka bwisit na ngisi. grr. Isa pang batok ang igagawad ko sa kanya ngunit agad syang nakaiwas at tumakbo palayo. "Hoy epal! Bumalik ka dito! Kukutusan kita sa lungs dyan makita mo!" Sigaw ko. Hindi ko napansin na may nakaharang pala na upuan sa dinaraan ko dahil tanging liwanag lang ng buwan ang nag sisilbing ilaw kaya nadapa ako. Muntik ng sumubsob ang mukha ko sa sahig ngunit mabilis na nasalo ako ni Jorenz. Mabigat na pag hinga ang inilabas ko. s**t! Kinabahan ako dun. "Are you ok?" Natatarantang tanong nya. Bibigwasan ko na sana sya sa napaka ganda nyang tanong nang sabay kaming matigilan sa tatlong katok. "May tao pa ba dito?" Biglang tanong ng kung sino man sa labas. Bumitiw ako at napatakbo dahil sa labis na tuwa. Makakalabas na rin kami sa wakas! "Opo! Opo! Paki bukas ang pinto!" Sigaw ko at kinalampag ang pinto ng pag-ka lakas lakas. Kailngan ko na ring makauwi. Baka abangan nako ni tita Ceres ng palakol sa gate. "Sandali. Bubuksan ko na." Tugon nang kung sino sa labas. Nang mabuksan na ang pinto, akmang lalabas nako ng makitang humarang ang isang lalaki. Maputi. Matangkad. Mapula ang labi. At... At... May namumulang mga mata at matutulis na pangil. May dugo pang tumutulo sa kanyang labing nakangisi sakin. "Saan ang punta mo, Xyza Eris Del Fuego?" Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may tumumba sa kanyang likuran. Bumulaga sakin ang duguang katawan ng guard na kani kanina lang ay kausap ko pa... A-at paano nya nalaman ang buo kong pangalan? Nangangatog na umatras ako. "S-sino ka? A-ano ka?" Isang ngisi ang muli nyang tugon. "You shall never know." He said and laughed evilly. Mas lalo kong binilisan ang pag atras ng maramdamang papalapit sya ng papalapit. Dinilaan nya ang ibaba ng kanyang labi na may roon pang natirang dugo. H-hindi kaya isa syang.... "B-bampira.." Naiiyak kong bulong. Lalong lumawak ang ngisi nya habang papalapit sakin. Ngunit.. Hindi sila totoo. Kathang isip lamang sila. Paanong--- "Yes, you're right dear, im a Vampire. And tonight, You will be... One of my dinner." Humalakhak sya. Nagulat na lang ako ng biglang bumilis ang kilos nya at... Sinakmal ako. Napa higa ako sa malamig na semento. Kitang kita ko ang pag pula ng kanyang mga mata. Ang dugo na lumalabas sa sarili ko. Ang kapaligiran.... Na unti unting nagiging malabo. Ramdam ko ang sakit sa ginawa nyang kagat. At ang luha na patuloy na rumaragasa mula saking mga mata. "Xyza! Xyza..." Ang tinig na iyon... Jo-jorenz! S-si Jorenz...... B***L "PUNYETA KANG BATA KA! GUMISING KANA AT MAG LUTO NG ALMUSAL! ANONG AKALA MO, MAY KATULONG KA? HUMANDA KA SAKIN PAG LABAS MO! GISINGG!" Napabalikwas ako nang marinig ang nakabibinging boses ni tita Ceres at ang malakas na kalampag nya sa pinto ng basement na kwarto ko. Hinawakan ko ang katawan ko. s**t! Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat. Huminga ako ng malalim bago tumayo at pag buksan si tita. Baka umusok na ang ilong nito sa sobrang inis. Pag kabukas ko ng pinto ay nasampal ako ni tita. Sa sobrang lakas nun ay namanhid ang pisngi ko. Pakiramdam ko bumakat doon ang makasalanan nyang kamay. "Wala ka talagang takot ano? Dis-oras ka na ng gabi umuwi tapos gigising ka pa ng tanghali? Wala kang kwenta pakainin at patirahin dito sa bahay ko Xyza Eris! Halika dito! Halika!" Napa sunod ako ng kaladkarin nya ako sa buhok. Napangiwi ako't na luha sa sakit. P-pero anong sabi nya? "Tita Ceres. T-tama na po." Umiiyak na pag mamakaawa ko ng pakiramdam ko ay matatanggal na ang anit ko sa pag kakasabunot nya. "Hindi ka na nagtino! Walangya ka talagang bata ka! Kapag hindi ako nakatiis ay dadalhin na kita sa DSWD! Hahayaan kitang mabulok doon!" Binitawan nya ang buhok ko ng pag ka lakas lakas kaya't tumalsik ako sa may lababo. Nanakit ang tagiliran ko dahil sa lakas ng impact. Sa sobrang sakit ay nainis ako at kinuha ang kutsilyo na nakatambak sa lababo at tinutok Ito sa kanya. Hindi ko alam na alam ang nasa isip ko, basta nag didilim ang paningin ko. "Sige! Sige lang! Lumapit ka pa't saktan ako! Hindi talaga ako mag aatubiling itarak to sa ngala ngala mo! Dadalin moko sa DSWD?! Go! Do what you want. Mas matatahimik pa ako doon. Akala mo gagaan ang buhay mo pag nandon ako? Huh! Mawawalan ka ng utusan dito sa bahay. Anong akala mo, mauutusan mo ang tamad mong anak? Kung yun ang gusto mo, sige dalin moko ngayon din! Pabor pa ako." Nanginginig na tinutok ko sa kanya ang kutsilyo. I know that what im doing is wrong. But this is too much. I can't do this anymore. "Ang lakas talaga ng loob mong maldita ka. Kapal talaga nang mukha. Manang mama ka sa nanay mo!" Inis na sigaw nya habang naka ngisi't dinuduro-duro ako. Nagulat na lang ako nang bigla akong hampasin ni Celestine ng gallon ng tubig sa ulo. Ugh. Nabitawan ko tuloy ang kutsilyo. Biglang akong kinaladkad ni tita Ceres sa buhok kaya wala along magawa kundi dumaing hanggang sa bitawan nya ako palabas ng bahay. "Lumayas kana Xyza! Bago pa mag dilim ang paningin ko't ipa dampot kita sa mga pulis at ipakulong sa salang attempted murder." Sabi nya sabay hagis ni Celestine na anak nya ng mga gamit ko papalabas. "You suck big time Xyza. Kaya lumayas kana habang nag titimpi pa ako." Mayabang na dugtong naman ni Celestine. Kumaway pa ito ng mapang asar. "Bye, loser.", she mouthed. Huminga ako ng mamalim at kinuha ang mga gamit ko. Buti na lang at nasa maleta ang mga ito. Wala kasi akong drawer kaya nandito lang ito nakasilid. Umiiyak na kumapit ako sa hawakan nito. "Hindi pa tayo tapos tita Ceres." Sabi ko bago tuluyang lumabas ng kanilang bahay. Pag kalabas ko ay doon na bumuhos ang aking luha at ang sakit ng bawat parte ng katawan ko. Siguro tama na rin ito. Tama na ang araw araw na pag titiis ko. Tama na ang arae araw na masasakit na salita. Tama na ang araw araw na pang iinsulto at mag mamalupit. Pero paano ngayon? San ako pupunta? San ako maninirahan? San ako kakain? Wala akong ibang kamag anak at wala rin akong mga kaibigan kaya paano na ako ngayon? Bigla na lang echo sa utak ko ang sinabi ni Tita Ceres kanina. "Wala ka talagang takot ano? Disoras ka na ng Gabi umuwi tapos gigising ka pa ng tanghali? Wala kang kwenta pakainin at patirahin dito sa bahay ko Xyza Eris! Halika dito! Halika!" Kung Panaginip lang ang lahat, anong oras ako nakauwi ka gabi? Hindi ko maintindihan. Ang pag ka lock ko sa loob ng room... Si Jorenz... Ang guard na namatay... Ang b-bampira... Ang pag atake nya sakin... Totoo ba ang lahat ng iyon o isang masamang panaginip lang? Pero kung hindi iyon totoo, pano naging disoras ng gabi ang uwi ko? A-at bakit wala akong maalala pag katapos nun? Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Warrior's Second Chance

read
324.8K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
69.6K
bc

The Warrior's Broken Mate

read
201.2K
bc

True Luna

read
1.3M
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
11.7K
bc

Alpha's Rejected Mate

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook