bc

Decoding Rose

book_age18+
1.3K
FOLLOW
3.9K
READ
billionaire
spy/agent
others
possessive
drama
bxg
bold
others
secrets
seductive
like
intro-logo
Blurb

Ybañez Side Story

Jack Reule De Salve believes that love knows no boundaries. His love to his colleague's sister never fades after so many years and he doesn't care even if she's a member of their strongest opponent.

Rose Ann Mortez hides herself from his brother and to the man who never failed to choose her and love her despite of the situation. As a member of an illegal organization, she's oblige to obey her boss order no matter how bloody it is.

Will Jack Reule find his way to freed his woman? Or will he just stop Decoding Rose?

chap-preview
Free preview
Prologue
"BUMANGON ka na diyan. May bisita ako!" sigaw ni Kuya Rim mula sa labas ng kwarto ko. Na-iinis naman akong bumangon at hindi na nag-abala pa na mag-ayos ng sarili na binuksan ang pinto. "Kuya naman eh! Bakit ba kasi?" kamot-ulo na tanong ko at lumabas ng kwarto. Nag-inat pa ako at humikab dahil sa sobrang antok. Nang maimulat ko nang maayos ang mga mata ko ay doon ko lang napagtanto na hindi isa, hindi dalawa, kundi lima ang pinapanood ako habang walang hiyang nagi-inat at humihikab. Nilingon ko si Kuya Karim na pigil na pigil ang halakhak. Sinamaan ko siya nang tingin at nilapitan. "Bakit 'di mo sinabing nandito si Jako!" pabulong na saad ko. Nagtakip naman si Kuya ng ilong at bahagya akong itinulak. "Ambaho! Magtoothbrush ka nga!" "Kainis ka!" Napalingon ako sa p'westo nila partikular na sa lalaking may makalaglag panty na ngiti. Mga ngiting naka-kapagliwanag ng mundo. Nanlaki ang mata ko nang dumako sa akin ang mata niya at kumaway pa sa akin. Kinagat ko ang aking labi at tumalikod. Para akong robot na pumasok ng banyo at impit na napatili. Si Jack Reule De Salve ay ang pinaka-crush ko sa lahat ng kaibigan ni Kuya. Naghilamos ako nang bongga at nag-toothbrush na halos maubos na ang toothpaste namin. Inamoy-amoy ko rin ang aking sarili bago napagdesisyonang tumambay muna sa tabi ng pinto ng banyo. "P'wedeng pumasok?" Napapitlag ako sa nagsalita. Kumalabog ang puso ko nang makita ang lalaking gusto ko na nakangiti sa akin. Kakapain ko ba ang garter ng panty ko? Baka nalaglag na, sobrang pogi talaga. Nag-init ang pisngi ko at yumuko nang bahagya. "S-saan ka p-papasok?" tanong ko. Tumawa siya nang malakas at ginulo ang aking buhok. Napatingala naman ako at sakto namang nagtagpo ang aming mga mata. Kakaiba ang kulay ng mata niya, kulay berde na may pagka-brown. "Sa banyo? Makiki-cr?" "Huh? Ah, oo nga! Oo naman! P'wede kang pumasok sa banyo. P'wede ka rin nga tumira diyan eh—este ano ba? Ahm—" "Hey, relax," aniya at hinawakan ang aking balikat. Dumako naman ang mata ko roon at tuluyan ko ng nailabas ang tili na kanina ko pa pinipigilan. "What the hell?!" Nagkukumahog naman si Kuya Karim na tumungo sa banyo at basta na lamang isinalya si Jako palayo sa akin. Agad namang umawat ang iba sa suntukan ng dalawa. "Tangina mo Jako! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw ni Kuya at kinuwelyuhan si Jako. "f**k off! Wala akong ginawa—" "Hinawakan mo ako," usal ko na ikinakunot ng noo ni Jako. Nag-igting naman ang panga ni Kuya at itinayo si Jako. "'Di ba walang talo-talo 'pag kapatid?!" "Damn it, Karim! Hindi ko ginalaw 'yang kapatid mo! Tangina naman!" Lumapit sa akin ang kaibigan ni Kuya na si Danise na nakapamulsa. "Saan ka niya hinawakan?" Kinagat ko ang aking labi. "S-sa..sa balikat?" "Ano?!" halos sabay-sabay na sambulat nila maliban kay Jako na nakangisi at pinagpagan ang sarili. Si Louie ay walang habas na tumawa samantalang napa-iling na lamang ang dalawang kasama nito. Napayuko ako at napaatras nang lumapit si Kuya sa akin. "Kung makasigaw ka akala ko kung ano nang nangyari sa'yo!" naiiritang saad ni Kuya at tumalikod. Nagsi-alisan na rin silang lahat at ang tanging naiwan ay ako at ang lalaking may masasarap na ngiti. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking baba at iginiya patingala sa kaniya. Halos mapugto ang hininga ko sa paraan niya ng pagtitig sa akin partikular na sa aking labi. Nang bumaba ang kaniyang mukha ay kusa kong ipinikit ang aking mga mata at hinintay na dumampi ang kaniyang labi sa akin. "Hindi kita tataluhin," aniya dahilan para imulat ko ang mata ko at tinitigan siya nang mataman. "Sa ngayon," dugtong niya. "H-huh?" Ngumiti siya sa akin. "Reserve your first kiss." Matapos niya iyon sabihin ay binitawan niya ang aking baba at tumalikod. "Sandali!" Bahagya siyang lumingon at nagtaas ng dalawang kilay. Napalunok ako dahil sa kaba na baka umaasa ako sa wala. "Bakit?" Ngumisi siya at humarap. Isang dipa ang layo namin sa isa't isa ngunit hindi naging hadlang iyon para marinig ko ang mga salitang binigkas niya sa akin. "'Cause I'll claim your lips, soon."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook