DARREN: PASADO alasdose na ng gabi nang umakyat na kami sa aming silid. Kasama ko sa silid ko si Jarren. Nasa guestroom naman si Nanay at Kelsey. Kapag wala pa ako, si Kelsey o Nanay ang tumatabi kay Jarren. Hanggang makauwi ako. Pasuray-suray na akong maglakad na nahihilo dala ng nainom. Pero alam ko pa naman ang mga ginagawa ko. Tinamaan lang sa nainom. Pagpasok ko ng silid ay naabutan kong nahihimbing na si Jarren katabi si Nanay sa kama ko. Napangiti ako na maingat ang bawat paghakbang na lumapit sa mga ito. Naupo ako sa gilid ng kama na pinagmasdan ang mga ito. Para akong kinukurot sa puso ko habang nakamata sa kanila na payapang nahihimbing. Dahil hindi ko manlang magawang magsaya ng buo kahit kasama ko na sila. Kahit dayain ko ang sarili ko ay alam kong hindi ako masaya ng bu

