DARREN: PANAY ang lagok ko ng shot ko habang nandito sa mini Bar ng mansion. Naiintindihan ko naman ang punto ni Chesca. Kilala ko siya. Masyado siyang mabait at selfless kaya nga hindi niya ako mapili-pili. Lalo na ngayon na may anak ako at hindi na nakakagulat. . . na magpaparaya siya para magkaroon ng buong pamilya si Jarren. Kahit hindi niya sabihin, alam ko, kita ko, dama ko na mahal niya pa rin ako. Pero mas uunahin niya ang anak ko kaysa ang sarili niya. "You look pissed, Darren. What's wrong?" ani Noah na sumulpot dito sa Bar. Naupo ito sa tabi ko na nagsalin ng alak sa baso. Napailing ako na tinunggang muli ang natitirang laman ng baso ko. Sinalinan naman nito ang baso ko na wala ng laman. "She loves me." "Oh? Hindi ba dapat matuwa ka kasi mahal ka niya?" naguguluhang t

