DARREN: NATAHIMIK kaming lahat nang magsalita na si Daddy. Lahat kami ay nakamata dito. Naghihintay ng sasabihin. Yakap-yakap ko si Nanay na dama kong nanginginig pa rin ang katawan. Napahinga ito ng malalim na isa-isa kaming tinignang mga anak nito. Bago bumaling kay Mommy na namumutlang nakayakap sa braso ni Daddy. "It's okay, baby. Everything will be fine. Hindi ko hahayaang. . . masira ang pamilya natin," maalumanay nitong saad na hinagkan pa sa ulo si Mommy. "Dwight, hindi ko na kayang marinig 'yan please?" mahinang saad nito. Napahinga ng malalim si Daddy na bumaling kay kuya Delta. "Delta, ihatid mo muna ang Mommy mo sa silid at samahan mo doon, anak." Kalmadong saad nito na ikinasunod ni Kuya. Kitang masama pa rin ang loob nito sa akin. Hindi kami nito tinapunan ng ting

