DARREN: PASAKAY na ako sa kotse nang may pamilyar na mukha akong nahagip sa 'di kalayuan. Nakikipag-usap ito sa mga guard na papasukin. Nangunotnoo ako na nakamata dito at biglang bumilis ang t***k ng puso ko habang nakamata dito. She's just wearing denim faded blue jeans, black shoes and black polo shirt. Hindi rin kakapalan ang make-up nito ngayon na napakasimple niyang tignan. Gano'n pa man, mas maganda talaga siya kung gan'to lang ang ayos niya. "What is she doing here?" usal ko sa sarili. "Sinundan niya ba ako?" Naipilig ko ang ulo na may tumawag dito kaya lumayo na muna siya sa mga guard. Napahinga ako ng malalim na sumakay na ng kotse. Pinaharurot ang kotse palabas ng kumpanya na dinaanan na lang ito. Nahagip naman ako nito na namilog pa ang mga mata na hinabol ako. "Darren

