DARREN: MATAPOS naming magkausap ng masinsinan ni Nanay, dinala ko na silang tatlo sa condo unit ko sa BGC. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko sa mga oras na ito. Na sa isang iglap, nahanap ko ang anak at ina ko. Hindi man siya ang kinagisnan kong ina, ang mahalaga ay nahanap ko na ang babaeng nagluwal sa akin. Unti-unti na ring nabigyan ng kasagutan ang mga katanungan sa isipan ko. Kung bakit kami nagkahiwalay ni Nanat. At kung paanong si Chesca ang nakagisnan kong ina. Isa na lang ang hindi pa nasasagot sa mga katanungan ko. At 'yon ay kung bakit hindi nagtapat sa akin si Chesca. Kung bakit niya tinatago sa akin ang katotohanan. "Nay, dumito na muna kayo ha? Hwag ho kayong mag-alala. Babalik ako mamayang gabi. May mga aasikasuhin lang po ako," pagkausap ko kay Nanay. Nan

