THIRD PERSON POV: PANAY ang lunok ni Kelsey na pinagpapawisan ng malamig habang palapit sila sa silid na kinaroroonan ni Jarren. Nangangatog ang mga tuhod nito na palakas nang palakas ang kabog ng dibdib. "Patient name, Jarren Madrigal." Usal nito sa isipan na mabasa iyon sa tapat ng pinto. Naikuyom nito ang kamao. Kung alam lang niyang mahahawa ng dengue si Jarren sa hospital ay hindi na sana niya isinama. Nagsisisi tuloy siya hindi dahil napahamak ang bata. Kundi kailangan niyang mag-donate ng dugo dito. Nakagat nito ang ibabang labi. Nakatitiyak siyang hindi sila compatible ni Jarren. Dahil alam niyang magkaiba sila ng blood type ni Chesca. Si Chesca ay nagmana sa ama nila. Habang ito ay sa ina. Kaya sigurado siyang. . . lalabas ang resulta na hindi sila compatible. Kapag nagkat

