DARREN: MAAGA akong umuwi ng mansion kasama si Noah. Naiwan naman si Nanay at Kelsey sa hospital na nagbabantay kay Jarren. Bumaba na rin ang init nito. Hindi naman kasi talaga nagka-dengue si Jarren. Hindi ko alam kung anong pinaplano ni Kuya Delta. Basta sumunod na lang ako sa utos nito sa akin. "They are match," bulalas ni Noah na tila diskunpyado sa resulta. "Hindi ba't good news iyon? Na compatible sila?" tanong ko dito na napailing. "I'm still not convinced, Darren." "Convinced of what?" naguguluhang tanong ko dito na napailing. "Wala. Mag-drive ka na lang." Pagdating namin ng mansion ay naabutan namin sa sala si Kuya Delta at Drake na nagkakape. Sabay pang napalingon ang mga ito sa amin ni Noah. Lumapit kami sa mga ito na naupo sa kaharap nilang bakanteng sofa. "Anong

