CHESCA: PILIT akong umaktong normal sa harapan ng mga magulang namin. Katulad ng napag-usapan namin ni Kelsey, kinumbinsi nito si Mommy na magpadala sa hospital. Maging si Jarren ay naglalambing sa Lola nito kaya wala ng nagawa si Mommy kundi ang pagbigyan kami. Kita ko ang kakaibang saya at kinang sa mga mata nila Daddy at Mommy na nandidito na si Kelsey kasama si Jarren at magkasundo kami. She's so good in acting. Na akala mo ay totoong nagbago na ito. Na-admit si Mommy ng hospital. Ayon sa doctor nito ay maaagapan pa ng gamot ang karamdaman ni Mommy na ikinahinga namin ng maluwag. Hanggang dito sa hospital ay magaling umarte si Kelsey. Na halos ito na ang umaasikaso kay Mommy. "Tita, here po. I brought you water." Ani Jarren na ikinangiti kong inabot ang bottled water mula dito.

