Chapter 5

2058 Words
Chapter 5 Sermon ni Patrick ang bumungad sa akin nang magising ako sa isang kwarto. Nakahiga ako sa kama at kaagad kong napansin ang suwero na nakakabit sa aking kanang palpulsuhan habang panay pa rin ang katatalak nito. "Diyos ko naman, Ligaya. Ano na namang kadramahan ito? Gusto mo bang sumunod kay Chuck? Magsabi ka lang at gagawin ko." "Shut up, Patrick," sagot ko sa nanghihinang boses. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil ayokong makita ang pag-irap ni Patrick. "You're not in my shoes kaya hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko." "Well, I don't care kung ano ang pinagdadaanan mo, Ligaya. I care about the baby inside your womb, kaya alagaan mo ang sarili mo kung may pakialam ka sa batang dinadala mo. Hindi 'yong everytime na nag-aagaw buhay si Chuck, e, palagi ka na lang mahihimatay. Tell me, paano mo maaalagaan ang bata kung hindi mo kayang alagaan ang sarili mo?" "I'm sorry," tanging nasabi ko at hinawakan ang aking puson. "I'm sorry, baby, naging mahina si mommy. Promise, hindi na iyon mauulit." Panay na naman ang tulo ng aking mga luha habang kinakausap ko ang baby sa aking sinpupunan. Tama si Patrick, kailangan kong alagaan ang aking sarili para maging malusog ang batang dinadala ko. Kahit mahirap, kailangan kong lumaban para sa bata. Nakaratay ngayon si Chuck at kailangan kong magpakatatag. Hindi ako pwedeng manghina sa mga ganitong pagkakataon. Kailangan ako ni Chuck. Panay pa rin ang sermon ni Patrick pero pinabayaan ko na lang, magsasawa rin siya sa katatalak. Mayamaya ay narinig kong bumukas ang pinto kaya iminulat ko ang aking mga mata. Si Mamita. Pansin ko ang lungkot sa mga mata nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pamumugto niyon. Namumula ang mga mata nito kaya alam kong umiyak si Mamita. "Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?" Hinalikan nito ang aking noo saka umupo sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. "Naku, Mrs. Sayes," sabat ni Patrick. "Nanghihina pa si Ligaya. Kagigising lang po niyan at tingnan ninyo ang hitsura, namumutla na naman. Ang tigas-tigas kasi ng ulo." Mapait na ngumiti si Mamita bago nagsalita, "magpalakas ka, hija. I'm worried about you and your baby." "I'm sorry, Mamita, but I can't help it. Sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ni Chuck hindi ko mapigilang maging emosyonal. Parang mamamatay ako." Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng aking mga mata tanda na malapit na naman akong umiyak. "Hija." Hinawakan ni Mamita ang kaliwa kong kamay. "Hindi na natin mababago pa ang nangyari. Magpasalamat na lang tayo na buhay si Chuck. Ang tanging magagawa na lang natin ay magdasal sa itaas. Alam kong hindi tayo pababayaan ng panginoon." Pumiyok ang boses nito. Nilingon ko si Patrick. "Ilang oras akong walang malay?" "Five hours. Nagugutom ka ba, Ligs? May dalang pagkain sina Eden. Ipaghahanda kita." "Hindi ako nagugutom, Patty. Mamaya na lang." Ibinalik ko ang paningin kay Mamita. "Mamita, kumusta na po si Chuck? Gusto ko siyang puntahan." Akma na akong babangon pero pinigilan ako ni Mamita. Bumuntong-hininga ito at nakita kong may sumungaw na luha sa gilid ng mga mata nito. Pinunasan niya muna iyon bago nagsalita, "unconscious pa rin ang apo ko. Sabi ng doktor hintayin natin na magising siya. At kung kailan iyon, walang nakakaalam." Tuluyan ng nalaglag ang mga luha ni Mamita kaya napaiyak ako. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Comatose si Chuck. Gusto ko siyang puntahan pero ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Hinayaan ko na lang na dumaloy ang mga luha sa aking pisngi. "EJ, hija," wika ni Mamita habang pinupunasan ang aking mga luha. "Control your emotions. I don't want you to be emotional in times like this. Buntis ka, EJ, at ayokong may mangyaring masama sa magiging anak ninyo ni Chuck. Magpakatatag ka, hija. Kailangang-kailangan ka ngayon ng aking apo." Habang nag-uusap kami ni Mamita ay dumating ang doktor na tumitingin sa akin. Maaliwalas ang mukha nito at tinitigan akong maigi. "You look pale, hija," wika nito. "Alam kong may pinagdadaanan ka ngayon, but please, don't stress yourself. Makakasama 'yan sa bata. Nagde-develop pa lang ang baby sa sinapupunan mo at kung palagi kang stress," tumigil muna ito at tumingin kay Mamita, "I'm afraid, Nenita, baka magka-miscarriage ang apo mo." Natulala ako sa narinig. Hindi pwedeng mawala ang baby ko, ang baby namin ni Chuck. "So, hija, continuous lang ang pag-inom ng mga vitamins mo, ha," muling wika ng doktor. "'Yong ferrous sulfate," bumuntong-hininga ito, "alam kong hindi mo gusto ang lasa no'n, pero kailangan iyon ng katawan mo. Para sa dugo iyon kaya huwag kang liliban sa pag-inom no'n. Punta ka rito next week dahil kailangan natin ma-monitor ang health mo, okay?" Tumango lang ako sa sinabi nito. Kinaumagahan ay lumabas na rin ako ng ospital. Napagpasyahan kong sundin ang payo ni Mamita na sa bahay na muna ako para makaiwas sa stress. Sinilip ko muna si Chuck na naroon pa rin sa ICU bago ako umuwi sa mansiyon ni Mamita. "Don't worry, EJ," wika ni Mamita. "Magiging maayos din si Chuck. Magpahinga ka muna sa bahay, ako na ang bahala sa apo ko." "Maraming salamat, Mamita." Niyakap ko muna si Mamita at muling sinulyapan ang nakaratay na si Chuck saka lumabas ng ospital. "Magandang hapon po, Ma'am EJ," bati sa akin ni Manang Flor, ang mayordoma sa mansiyon. Kararating ko lang sa mansiyon at ito kaagad ang sumalubong sa akin. "Kumusta na po si Sir Charles?" "Nasa ICU pa rin siya, Manang Flor." Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahawak ako sa braso nito. Inalalayan naman ako nito papunta sa sopa at pinaupo roon saka inutusan ang katulong na kumuha ng isang basong tubig. "Salamat." Matapos uminom ng tubig ay isinandal ko ang ulo sa sopa dahil nahihilo pa rin ako. Ito ang ikinakatakot ko na muling maranasan. Ganitong-ganito ako noong ipinagbubuntis ko si Clint to the point na kailangan kong tumigil sa pagtatrabaho para maalagaan ang aking kalusugan. At ngayon nauulit na naman. Ilang minuto ring nakapikit ang aking mga mata nang maramdaman kong may malambot na bagay na dumampi sa aking noo. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong pinupunasan ni Manang Flor ang aking noo pati na ang aking leeg. "Pinagpapawisan ka, Ma'am EJ," wika nito. "Ako na po, manang." Nakakahiya kung pati pagpupunas sa akin ay siya pa ang gagawa. Pilit kong inaabot ang hawak nitong towel pero ayaw niyang ibigay sa akin. "Kabilin-bilinan sa akin ni Ma'am Nenita na alagaan kang mabuti dahil dinadala mo ang anak ninyo ni Sir Charles," wika nito. Kahit nahihilo ay lihim kong ikinatuwa ang pag-aalala ni Mamita. She really cares about me and my baby. Hinilot ko na lang ang aking sentido at muling ipinikit ang mga mata kasabay ng piping dalangin na sana malagpasan ko ang mga problemang kinakaharap sa kasalukuyan. "Salamat po, manang." "Wala po iyon, ma'am," dinig kong wika nito at inutusan ang katulong na maghanda ng meryenda para sa akin pero tinanggihan ko iyon. Wala ako sa mood para kumain. Nang medyo maayos na ang aking pakiramdam ay tumayo ako at tinungo ang aking kwarto. Kaagad akong humiga sa kama at hindi na nag-abala pang magbihis. Tinatamad ako. Gusto kong magpahinga, gusto kong matulog pero hindi ko magawa dahil ang utak ko ay nakapukos kay Chuck, sa kalagayan nito. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay mukha ni Chuck ang aking nakikita at hindi ko na naman mapigilang umiyak. "Ma'am EJ," tinig iyon ni Manang Flor. "Pasensiya na po kung bigla akong pumasok. Nakabukas po kasi 'yong pinto." "May kailangan po kayo?" "May naghahanap po kay Sir Charles. Kaibigan daw po kaya pinapasok ko na." "Hindi po ba niya alam na nasa ospital si Chuck?" "Sinabi ko po, pero gusto kayong makausap. Jackson po ang pangalan." Jackson? Napaisip ako ng ilang minuto kung saan ko narinig ang pangalang iyon. "Importante raw po na makausap kayo, Ma'am EJ." Saka ko lang naalala na siya pala ang m******s na kaibigan ni Chuck at may-ari ng hotel and resort kung saan ako napadpad dati. "Maghihintay daw po siya, ma'am. Lalabas na po ako." "Manang Flor, EJ na lang po ang itawag n'yo sa akin at huwag n'yo po akong pino-po. Mas matanda po kayo sa akin." Ngumiti ako dahil parang natigilan ito sa sinabi ko. Mayamaya ay ngumiti ito at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdanan ay tanaw ko na si Jackson. Napatayo ito mula sa pagkakaupo at abot-tenga ang ngiti habang pinagmamasdan akong papalapit sa living room. "Hi, Ligs," bati nito. Nakangiti pa rin ito at akmang lalapit sa akin para bumeso pero napaatras ako. Kung nandito si Chuck malamang nasuntok na ang lalaking ito. Ayaw na ayaw ni Chuck na may lalaking hahalik sa akin maliban na lang sa anak ko. Tila naman napahiya ito, muli itong umupo sa mahabang sopa pero naroon pa rin ang ngiti sa mga labi na labis kong ikinainis. Malakas ang kutob ko na may binabalak itong hindi maganda. "What brought you here?" tanong ko na may bahid ng pagkayamot. "Bibisitahin ko sana si Chuck dahil may bago akong bubuksan na negosyo at alam kong interesado siya na mag-invest." Ikinurus ko sa dibdib ang aking mga braso at pinakatitigan ang lalaking nakaupo. Nakatayo lang ako roon at wala akong balak maupo. Bastos na kung bastos, wala akong pakialam. Tutal siya naman ang naunang bastusin ako noong nasa resort kami ni Chuck. "Forget about it," diretsang sagot ko. "Naka-confine si Chuck ngayon sa ospital. Don't tell me hindi mo alam ang nangyari sa kaniya?" "Oh, about that. Kanina ko lang nalaman. Sinabi ng katulong." Hindi ko alam kung bakit pero nagdududa ako sa sagot nito. "So kung wala ka ng sasabihin, you can find your way out. Good day, mister." Tumalikod na ako ngunit narinig kong nagsalita ito. "Sabi ng katulong, he's in a coma. Kung sinunod mo lang sana ang sinabi ko sa 'yo noon. Remember that I told you before to break-up with him and be with—" "Be with you?" Putol ko sa iba pa nitong sasabihin. Muli ko itong hinarap saka tinaasan ng kilay. "Yup! I am much better than him," buong pagmamalaki nitong saad kaya nagpanting ang aking tenga. "I can give you all the material things you want. In fact more than he can give." Bwisit! Bwisit talaga! Napakayabang! "Do you know who am I, mister?" taas noo kong tanong dito. Kung gusto niya ng payabangan, pwes pagbibigyan ko siya. "I told you before that I have all the material things long before I met Chuck. I am the heiress of the Magtibay Group of Companies. So don't you dare tell me that you could give me all the material things cause I already have those. I have an investment in different companies," tinaasan ko ito ng kilay, "I own several branches of boutiques at kung ang hotel and resort lang ang ipinagmamayabang mo, baka nga wala pa iyon sa kalahati ng kinikita ko buwan-buwan." "Pero..." "Get out!" sigaw ko rito. "Ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo. Lumayas ka at huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa amin!" "Mom!" Napatingin ako sa front door nang marinig ang boses ng aking anak. Nagulat ito sa sigaw ko at nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Jackson. Nagmamadali itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Why are you shouting?" Hindi na nito hinintay pa ang sagot ko dahil nilingon nito si Jackson nang nakakunot ang noo. "Are you hitting on my mom?" Nakangiti pa rin si Jackson. "What if I am?" Muntik na akong mapamura dahil sa sagot nito. Malaking gulo ito kapag nagkataon dahil nakatitiyak ako na sasabihin ito ni Clint kay Chuck. "Are you nuts?!" Sumigaw na rin si Clint. "My mom is engage to be married to coach. And the last time I checked you are his friend." "Well, I like your mom. No, scratch that, I love your mom. And no one can stop me—" "Well, shame on you, traitor! You don't deserve my mom so as your friendship with coach. How unlucky he is to have you as one of his friends. You better leave or else..." Natulala ako sa mga sinabi ni Clint. Niyakap ako nito at kahit hindi ko gusto ang pananalita ng aking anak ay hindi ko ito sinaway. Nararapat lang sa mayabang na si Jackson ang mga salitang binitiwan ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD