Chapter 8 "Hindi ko lubos maisip na nagkagusto ka sa isang bata, Ligaya," wika ni Fern sa kabilang linya. Boses pa lang nito ay alam ko na na hindi magiging maayos ang pag-uusap naming ito. Ito ang ayaw ko kay Fern, sa tuwing makikipag-usap ito sa akin ay akala mo palaging naghahamon ng away. Palaging mataas ang boses na hindi ko maintindihan. Mahigit dalawang linggo na ang nakararaan, huling pagkikita namin ay nang kumain kami ni Clint sa restaurant na nagkataong dumating din si Rico. Abot-abot ang paghingi ko ng tawad sa taong iyon dahil sa ginawa ni Fern. Hiyang-hiya ako nang mga oras na iyon, kung pwede lang utusan ang lupa na bumuka at lamunin ako, ginawa ko na. "Hindi siya bata, Fern," giit ko. Hindi ko mapigilan ang sarili, gusto ko ng ibaba ang aparato nang muli kong marinig ang

