Chapter 9

2072 Words

Chapter 9 Mahinang tunog na nanggagaling sa isang machine ang aking narinig nang magising ako. Napansin ko na nakasubsob ang ulo ni Grace sa gilid ng kinahihigaan kong kama. Sa tabi nito ay mayroong bakal kung saan nakasabit ang nangangalahati ng swero na dumadaloy papunta sa katawan ko. Pinilit kong umupo at iginala ang paningin nang mapansin ko ang kama hindi kalayuan sa gawi ko. Nakahiga roon si Chuck, wala pa ring malay at may nakakabit pa ring mga tubo sa katawan. Nakabenda ang ulo at medyo nakaangat ang naka-cast nitong binti. Dinig ko ang mahinang tunog ng life support machine sa gawing kaliwa ng kama nito. "Sweetheart," usal ko. Pilitin ko mang bumangon ay hindi ko magawa dahil nanghihina ang katawan ko. Nagkasya na lang akong tingnan ito habang pinupunasan ang sumungaw na luha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD